Title : Sa Ano Nabubuhay Ang Tao
Author : graf Leo Tolstoy
Translator : Sofronio G. Calderón
Release date
: April 15, 2005 [eBook #15628]
Most recently updated: December 14, 2020
Language : Tagalog
Credits
: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and Distributed
Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
[Transcriber's note: Mistakes in the original published work has been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]
Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang mujik (may pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal.
Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek [3].
Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad. Páhiná 4 Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo , kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon.
Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo ,—aniya,—idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba .
Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik . Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay.
Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang kopek muna. Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda.
Bayaran mo ako,—ang sabi sa kanya,—at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa Páhiná 5 pagtatagpi ng isang valenki [1] na sa kanya'y ipinagawa.
Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad. Ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. Sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga valenki ; at nagsasalita ng ganito:
Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anupang ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit? Nilimot ko ang aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga mujik , pakinabangan Páhiná 6 nawa nila ang aming kapaguran. ¡Teka! Di mo ako dinalhan ng kuwarta. ¡Maraming salamat! ¡May Diyos! Sulong ..." Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung kopek lamang. Anong mapapakinabang sa dalawampung kopek ? Itungga ng alak at wala na. Saka sasabihing "¡Ang hirap!" ¡Aha, aha! ¿Ang hirap ko nga? Ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman. Ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay kailangang bumili; kailangan ko'y tatlong rublo sa bawa't sanlinggo; kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa ako uli ng isang rublo't kalahati. Pagbayaran mo nga ako ng iyong utang.
Papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi. Gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan.
Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon? Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa ulo ay tila isang tao; Páhiná 7 nguni't bakit maputi? At bakit magkakatao rito?
Lumapit si Semel at lubos nalinawan! Katakataka! Tao nga; buhay o patay? Nakaupo, na hubad; nakasandig sa pader ng simbahan, hindi gumagalaw. Ang magsasapatos ay sinidlan ng takot at nasabi sa sarili:
—Pinatay; hinubdan ng damit at inihagis dito; kung lapitan ko ay baka ako pa ang mapahamak.
Kanyang linagpasan, tinalikdan na sa kanyang paningin ang taong yaon. Makaraan ang sandali, ay lumingon siya at nakita niyang ang tao'y lumayo sa pader at gumalaw na wari tinititigan siya. Sa tuwi-tuwi na ay lalu siyang nahihintakutan, nag-antanda ang magsasapatos at tinaya ang kanyang kalooban kung uurong o tatakas.
Kung siya'y lapitan ko,—dinidilidili niya—di malayong ako'y mapahamak. Ano kayang tao ito? Tila mandin masama; dadaluhungin ako at ako'y hindi maliligtas. Kung hindi man ako patayin ay hahalayin ako. Gayunman, hindi ako makapaghuhubad upang bihisan ko siya, upang ipagkaloob ko Páhiná 8 sa kanya iring tanging suot. Magtutumulin ako.
At dinalas ang hakbang. Pagdaka'y napatigil sa daan,—Anong inaasal mo sa sarili. Anong gagawin mo? Namamatay ang isang tao at iyong kinatatakutan at nilalayuan. Mayaman ka na ba kaya? Natatakot ka bang mawalan ng kayamanan? Ano, Semel, ito'y hindi magaling.
Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan. Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad, nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata. Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si Semel.
Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig doon sa taong Páhiná 9 di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.
—Hala,—aniya,—huwag ka nang magbadya pa ng anuman; magbihis ka; madali ka; hala, dali-daliin mo ...
Tinagnan ni Semel sa bisig yaong di niya kilala, ibinangon, itinayo, saka minasdan ang kanyang katawang maganda. Maputi at pati nga ng kanyang kaayaayang mukha.
Ipinatong ni Semel sa mga balikat ang sako; nguni't di matumpakan ng lalaki ang pag-susuot ng manggas. Isinuot ni Semel, ibinutones, nilagyan ng sinturon, inalis ang kanyang gorang sira-sira at isusuot sana, datapwa't nakaramdam siya ng ginaw sa ulo at inisip:
—Ako'y kalbong-kalbo, at siya'y may mahahabang buhok na kulot.
At muling isinuot ang gora.
—Mabuti manding suutan siya ng bota.
At pagkaluhod sa siping nuong lalaki, ay isinuot ang mga bota niyang dala. Saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang:
—Ano, kapatid! Hala, gumalaw ka ng Páhiná 10 kaunti. Ikaw ay magpainit. Huwag na tayong magluwat dito. Tayo na.
Nguni't ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan ni Semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita.
—Anong nangyayari sa iyo? Bakit di ka magsalita? Hindi maaaring magparaan tayo ng taginaw rito. Kailangang umuwi tayo ng bahay. Eto ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na.
At ang lalaki ay lumakad at di naiwan.
Sila'y magkasabay at nangusap si Semel.
—Tagasaan ka?
—Hindi ako tagarito.
—Kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng simbahan?
At ang tugon ng kasama:
—Hindi ko masabi.
—Ikaw baga'y hinarang?
—Hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng Diyos.
—Alam na natin, na ang lahat ay galing sa Diyos; nguni't may pinagbubuhatan. Saan ka paroroon?
— Páhiná 11 Kahit saan.
Namangha si Semel. Ang taong ito'y walang pagmumukhang masama, ang boses niya'y kalugod-lugod, nguni't walang ipinagbabadya na tungkol sa kanyang sarili. Inisip ni Semel na may mga bagay na di masaysay at pinagsalitaan ang kasama.
—Sumama ka sa aking bahay at ng mainitan ka.
Nagpatuloy lumakad at sinabayan ng kasama. Humihip ng malakas ang hangin at pinaspas ang baro ni Semel. Sapagka't napawi na ang alak, ay nagdamdam ng ginaw. Nagmadaling nagbububulong at iniisip:
—¡Mabuting gawa ito! Mabuting balabal ang dala ko! Ako'y nanaog upang bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako kahi't sako at may dala pa akong isang taong hubad. Di nga ako katutuwaan ni Matrena.
Si Matrena, ay ang kanyang asawa. Sa ganitong pag-aala-ala kay Matrena ay nagulomihanan si Semel; nguni't paglingon niya sa kasama ay naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa simbahan Páhiná 12 at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban.
Ang asawa ni Semel ay nag-ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng kahoy, sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, saka nag-isip. Iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon o bukas. May natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si Semel ay nakakain na sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may kasiyang pagkain sa kinabukasan. Muli't muling tinignan ang nalalabing pagkain.
—Hindi ako magtitinapay ngayon,—aniya;—saka kakaunti ang aking harina; baka sakaling umabot hanggang biyernes.
Pagkatapos na maitago ang tinapay, ay naupo si Matrena sa siping ng dulang upang magsursi ng baro ng kanyang asawa; nananahi at inaalala si Semel, na namili ng katad.
—¡Baka madaya pa ng maytinda! Napakahangal ang asawa ko. Siya ang di marunong magdaya kaninuman at napadadaya maging sa bata. Sa halagang walong rublo ay makabibili na ng isang mabuting balabal; Páhiná 13 hindi kabutihan, nguni't may kaigihan na. Totoong nagbata kami ng taginaw na iri dini sa iisang balabal. Hindi makapaglaba sa ilog ng wala niyan, at eto, upang makalakad ay dinala ang aking suot. Hindi ako makapanaog ng ganiri!... Pagkaluwat! Naparaan ba kaya sa tindahan ng alak?
Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing.
Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa.
Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang.
Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
Páhiná 14 Napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain, nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. Ng makapasok na ay tumigil na walang kibo at nakatungo. Inisip ni Matrena.
Suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari.
Nag-alis ng gora si Semel at umupo sa bangko na parang isang batang mabait.
—Oy, Matrena,—aniya—pahahapunin mu ba kami?—Hindi pa ako kumakain.
Si Matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. Tumigil sa may kusina, saka minasdang isa-isa, na iiling-iling at di kumikibo.
Nahalata ni Semel na galit ang kanyang asawa; nguni't anong gagawin? Sapagka't walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at sinabing:
—Maupo ka, kapatid. Humapon tayo.
Ang kasama ay naupong walang imik.
—Ano Matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan?
—Oo't naghanda ako; nguni't hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang Páhiná 15 sa mawalan ka ng isip ... Ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at umuwi ka pa ng walang kapote. Sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng isang hampas-lupa. Ako'y walang maipahahapon sa mga lasing.
—Siyana, Matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang pag-usapan. Lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong ito.
—Pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang kuwarta,—ang tugon ng asawa.
Dumukot si Semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong rublo .
—Eto ang kuwarta; si Trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin bukas na.
Si Matrena ay lalong nag-init. Sa aba ng balabal, at pati ng kaisa-isang kapote ay ibinigay pa sa isang hampas-lupa na dinala rini sa ikadaragdag sa hirap. Eto ang kuwarta at saka dinugtungan.
—Wala akong hapunan; hindi ako makapagpapakain sa mga hampas-lupang lasing.
—Oy, Matrena, huwag kang maingay at dinggin mo iring aking sinasabi!
— Páhiná 16 Ako! Makinig ng mga kaululan ng isang walang hiyang lasing! May matuwid ako na umayaw na maging asawa kita! Iniwanan ako ng aking ina ng pambili ng damit at iniinom mo ng alak; ngayo'y bibili ka ng isang balabal at iniinom mo rin.
Hindi magawing maipaaninaw ni Semel, na dalawampung kopek ang kanyang iniinom at gayon din na kung paanong kanyang nasumpungan ang kanyang kasama; ayaw paraanin ni Matrena ang kanyang salita, sunud-sunod ang kanyang salita, sunud-sunod kung tugunin siya. Pati nuong nangyari ng may sampung taon, ay ipinamumukha pa sa kanya. Salita pa ng salita, at saka tinagnan si Semel sa manggas.
—Isauli mo sa akin ang suot ko, wala kundi iyan at kinuha mu pa; siya mo ngayong suot, asong galisin. Hindi ka pa tangayin ng diyablo!
Huhubdin na ni Semel; binaltak ng asawa at natastas ang mga tahi; sa katapus-tapusan ay tinagnan ni Matrena ang suot, isinuot at napasa dakong pinto upang yumaon, nguni't agad napatigil sa galit; wari ibig makipagka Páhiná 17 alit kahi't kanino at mabatid kung sino ang taong yaon,
Tumigil si Matrena sa tabi ng pinid at nagsabing:
Kung iya'y mabuting tao, ay hindi sana hubad; magkakaroon man lamang ng baro. Kung ikaw ay gumawa ng isang mabuting gawa, ay sasabihin mu sana sa akin kung saan nanggaling ang palaboy na ito.
—May tatlong oras nang sinasabi ko sa iyo, nguni't di mo ako dinidinig. Nagdaraan ako sa tabi ng simbahan, ay nakita ko ang binatang ito na halos naninigas at hubad; wala nga tayo sa panahong tag-araw. Inakay ako ng Diyos sa kanya; na kung di gayon ay namatay sana ito ngayong gabi. Anong gagawin ko? Siya'y aking binihisan, binalabalan at aking ipinagsama. Tumahimik ka nga, Matrena, iya'y isang kasalanan. Tayong lahat ay para-parang mamamatay.
Si Matrena ay nagbuka ng bibig upang sumagot. Biglang napatingin doon sa di kilala at tumahimik. Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang kanyang dibdib ay nanlalaki, Páhiná 18 halos magputok, na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na pinagsabihan ni Semel.
—Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?
Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y muling nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at kanyang inihain ang kahuli-hulihang tinapay.
—Hala, kumain ka,—ang sabi.
Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang.
—Lumapit ka kapatid.
Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.
Si Matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at nakapatong ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi kilala.
Nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba-abang yaon. Agad naga Páhiná 19 lak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay tuminging napangiti doon sa abang babae. Pagkatapos ng pagkain ay iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing:
—Saan ka nanggaling?
—Ako ay hindi tagarito.
—Bakit nasa tabi ka ng simbahan?
—Hindi ko masabi.
—Sinong naghubad sa iyo?
—Pinarusahan ako ng Diyos.
—At hubad ka na bang ganyan?
—Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo akong pinakain at pinainom. Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Si Matrena ay tumindig, binuksan ang kanyang baul at kinuha ang limang baro ni Semel na kanyang sinursihan at upang maisuot sa kinabukasan, kinuha ang salawal at pagkabigay niya ng mga yaon doon sa di niya kilala ay magiliw na sinabing tanggapin mo, nakita kong wala kang baro; magbihis ka at Páhiná 20 mahiga ka kung saan mo ibig, sa bangko o sa kusina.
Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan. Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel; siya'y namamanlaw at hindi mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. Maluwat-luwat na di nakatulog si Matrena. Si Semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa balabal.
—Semel!
—Ay!
—Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon. Anong gagawin natin bukas? Manghihiram ba kaya ako kay Melania ng ating makakain bukas?
—Bahala na. Hindi magkukulang ng pagkain.
Páhiná 21 Sandaling napatahimik.
—Tila mabuti ang taong ito.
—Bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya?
—Walang salang siya'y pinagbabawalan.
—Semel!
—Ano?
—Tayo'y nagbibigay, at sa atin ay walang nagbibigay.
Walang naisagot si Semel.
—Siya ka na ng kauusap,—ang sabi, saka pumihit.
At nangakatulog.
Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw.
Sinabi ni Semel:
—Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit. Kailangan ngang Páhiná 22 mamuhay, magkasiya sa sarili. Marunong ka bang gumawa?
—Wala akong nalalaman.
Idinilat ni Semel ang mga mata at nagsabing.
—Natututuhan ang balang ibigin, kailan ma't di kukulangin ng pagkukusa.
—Lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba.
—Anong pangalan mo?
—Mikhail.
—Kung gayon, Mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa iyong buhay, mabuti, nguni't kailangang kumain; kung susundin mo ang aking sasabihin, ay aampunin kita.
—Tulungan ka nawa ng Diyos! Turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di ko nalalaman.
Sumunggab si Semel ng kanyamo at binaluktot.
—Ito'y hindi gawain noong isang Huwubes; tignan mo.
Tinagnan ni Mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad itinuro sa kan Páhiná 23 ya ni Semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas, paglalapat ng suwelas, at pag-aanyo ng tahi. Sa ikatlong araw ay natutuhang lubos ni Mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang kaliksihan ay gayon na lamang, na parang isang daan nang taong manggagawa ng sapatos. Walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain. Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel.
Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon. Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na makahihigit pa kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at unti-unting yumaman si Semel.
Isang araw ng tag-inaw, na gumagawang magkatulong ang dalawang magpanginoon, Páhiná 24 ay sa darating ang isang voyok o karwahing hila ng tatlong magagaling na kabayo, na nagtutunugang masaya ang mga kampanilyang nakakuwintas, at sa titigil sa harap ng pintuan nila. Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay na isang barini o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang pintuan. Ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang isang sulok ng kabahayan. Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.
Pagkahinga ng buong lakas ay nag-alis ng balabal ang barini , naupo sa bangko at nagsabing:
— Páhiná 25 Sino sa inyo ang maestro sapatero?
Si Semel ay lumapit.
—Ako po, Kagalang-galang.
Tinawag ng barini ang kanyang alila; iabot mo sa akin ang katad, Fedka.
Dinala ng alila ang isang balutan, inilapag sa hapag (mesa).
—Buksan mo ang balutan.
Ang alila ay sumunod.
Itinuro ng barini kay Semel ang katad.
—Nakikita mo bang maigi, magsasapatos?
—Opo, Kagalang-galang.
—Nakikilala mo ba kung anong uri iyan?
Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing:
—Iyan po ay pinakamabuting uri.
—Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo .
Si Semel ay natatakot-takot na tumugon:
—Paanong ibig ninyong kilalaning ko?
—Mabuti. Maigagawa mo ba kaya ako ng mga bota sa katad na ito?
—Opo, Kagalang-galang.
Páhiná 26 Ang barini ay nagbigkas.
—Mangyari! Tignan mong mabuti ang tao na nagpapagawa sa iyo niyan at pati ng kainaman ng katad na iyan; igawa mo ako ng mga bota na magluluwat ng isang taon; na isang taon kong magagamit na hindi man lamang masisira o mapapahiwid. Kung magagawa mo ay tanggapin mo ang katad na ito at iyong tabasin; kung hindi naman ay iyong tanggihan. Aking ipinagpapauna sa iyo, na kung ang mga botang iyan ay masira bago mag-isang taon ay ipapasok kita sa bilangguan, kung magtagal sa akin ng isang taon ay pagkakalooban kita ng sampung rublo .
Si Semel ay nagitla, nagdili-dili, hindi niya malaman ang gagawin. Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin o hindi.
Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon.
Tinawag ng barini ang alila. Iniunat ang kanyang paa, at nagsabing kung gayon ay sukatan mo ako, ang paa ng barini ay napa Páhiná 27 kalaki na nangailangang gumupit pa ng ibang papel bagaman ang una ay napakalaki na. Sinukat ni Semel ang talampakan, ang ibabaw ng paa at saka sinukat ang binti; nguni't ang papel ay hindi nag-abot na maigi, ang binti ay napakataba. Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay lilingap-lingap ang barini sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail.
—Sino ito?—ang tanong.
—Siya kong manggagawa—ang sabi ni Semel.
—Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon.
Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na wala sa loob nito ang barini , kundi nakatingala siya sa ulunan ng barini na parang may nakikita siya. Si Mikhail ay tingin ng tingin. Agad napangiting masaya.
—Anong ikinatatawa mo?—ang tanong ng barini . Pag-ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon.
Si Mikhail ay sumagot:
—Mangyari, kailanman at kailanganin.
— Páhiná 28 Mangyari,—ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal. Tumungo sa may dakong pinto; nguni't nakalimot yumuko, at naumpog ang ulo sa halang, na anupa't nagbubulong sa galit. Agad lumamig ang ulo, kinuskos ang noo at sumampa sa vosok .
Pagkaalis ng barini ay sinabi ni Semel .
—Ito nga ang matibay na parang puno ng kahoy; nasira ang halang at bahagya nang naramdaman.
At sinabi ni Matrenang:
—Sa taglay niyang pamumuhay ay mabuting tao kaya? Parang bakal mandin at di madadaig ng kamatayan ng gayun-gayon lamang.
Hinarap ni Semel si Mikhail.
—Tinanggap natin ang biling ito,—aniya,—baka tayo'y mapahamak. Ang katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa.
Páhiná 29 Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang tinabas.
Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip:
—Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan ng barini ; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya pakikialaman.
Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain. Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali. Si Semel ay nakapagbigkas tuloy ng isang badyang pamangha.
—Ating nasira ang katad; ano kayang sasabihin ko sa barini ? Saan kaya ako makakasumpong ng ganyang katad?
Páhiná 30 At sinabi kay Mikhail.
—Anong ginawa mo. Ako'y iyong ipinahamak, katoto. Hinihingan ako ng barini ng bota. Nasaan?
Noon nga ay may tumuktok sa pintuan. Sa dungawan ay nakita ang alila ng barini , na nagtatali ng kanyang kabayo sa pintuan. Pinagbuksan ni Semel at ang alila ay patang-pata sa pagod.
—Magandang gabi po, suki.
—Magandang gabi rin pu naman. Anong nangyayari?
—Inutusan pu ako ng asawa ng barini upang kunin ang mga bota.
—Ang mga bota?
—Opo, hindi na pu kailangan ng barini ; hindi na pu niya maisusuot. Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay.
—Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa vozok o karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang at bangkay. Pinaghirapan namin ng paglalabas sa vozok . Inutusan ako sa inyo ng asawa ng barini , na si Páhiná 31 nabing:—Pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng ipinasadya ng barini . Sabihin mong ipagmadalian. Ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas.
Dinampot ni Mikhail ang sandalyas at pati ng pinagputulang katad, binalot na lahat at iniabot ang balutan sa alila, na naghihintay:
—Adiyos mga kapatid, tulungan nawa kayo ng Maykapal.
Nakaraan ang isang taon, dalawa, at may anim nang taon na si Mikhail ay na sa bahay ni Semel. Ang buong pamumuhay, ay di rin nagbabago. Kailanma'y hindi siya umaalis. Bahagya nang magsalita at mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa ni Semel, at ang ikalawa'y ng dumalaw ang barini . Si Semel ay tuwang-tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si Mikhail ay lumayas.
Páhiná 32 Isang araw ay nagkakapisan silang lahat. Ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong. Isa sa mga bata ay humilig sa balikat ni Mikhail na nasa tabi ng dungawan at nagsabing:
—Tignan mo, Mikhail, naito ang isang tindera na may kasamang dalawang batang babae; tila mandin paparito sa atin. Isa sa mga batang babae ay pipilay-pilay.
Pagkarinig ng mga salita ng bata ay iniwan ni Mikhail ang gawain at dinungaw. Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana. Ang dalawang bata ay magkamukha at halos hindi mawari ang pagkakaiba nilang dalawa, Páhiná 33 nguni't ang isa sa kanila ay napipilay at kinakaladkad ang paa.
Ang babae ay tumigil sa pintuan, ibinukas ang pinto, at nasok na kasunod ang dalawang bata.
—Magandang umaga po, mga maestro,
—Dumating nawa kayo ng maligayang oras. Anupung sadya ninyo?
Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping.
—Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito.
—Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino.
Lumingon si Semel at nakita niya na walang kaalis-alis ang mata sa mga bata.
Si Semel ay napamangha ng higit at higit. Tunay na ang mga munting batang yaon ay magaganda, nakatutuwa, may mga pisnging namumula-mula at maiitim ang mata; ang Páhiná 34 mga balabal at ang mga pamindong ay napakarikit, nguni't hindi niya maunawa kung bakit nakahalina ng gayon na lamang kay Mikhail, na para bagang kilalang-kilala na niya. Si Semel ay nakipagsalitaan sa babae at kanyang kinuha ang sukat.
Kinalong ng babae ang pilay at nagsabing:
—Kunan ninyo ng dalawang sukat ito.
Igawa ninyo ng isang sapatos ang paang pilay at tatlo ang magaling, sapagka't kambal ay magkapara ng sukat.
Pagkatapos na masukatan, ay nagtanong si Semel na nakatingin sa pilay:
—Anu po ang ikinapilay? Ipinanganak na pu bang ganyan?
—Hindi po, natuntungan ng kanyang ina.
Si Matrena, na nakakapakinig ng salitaan ay nakisagot.
—Sino ka,—aniya—at sinu-sino ang mga batang ito? Ina ka ba nila?
—Ako'y hindi nila ina o kamag-anak man; sila'y mga inari kong anak.
—Diyata't pinakaiibig mong maigi ay hindi mga kadugo?
—Bakit hindi ko iibigin sila? Pinasuso ko Páhiná 35 sila ng aking gatas. Ako'y nagkaanak ng isang lalaki na kinuha sa akin ng Diyos; hindi ko totoong inibig na gaya ng mga ito.
—Kanino ngang anak sila?
Si Matrena ay nakipagsalitaan sa babaing yaon, na nanalaysay ng ganito;
—May anim na taon nang ulila sila. Ang ama ay namatay ng martes at ang ina ay ng biyernes. Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa Diyos. Ang kanyang asawa'y nanganak pagkaraan ng tatlong araw, na ang mga ito ang naging anak. Mga kaawa-awa at walang mag-andukha. Sa palibot ng kanilang higaan, ay walang hilot o alila; nanganak na mag-isa. Dinalaw ko kinaumagahan, ako'y pumasok at aking natagpuang patay na Páhiná 36 ang abang babae. Pagkamatay ay nadaganan ang munti at napilay ang paa nito. Dinaluhan ng mga tao, inayos ang bangkay, isinilid sa kabaong at ibinaon sa lupa. Ang mga kapitbahay ay mabubuting tao, nguni't ang mga sanggol ay naulila at walang mag-andukha. Ako nga ang tanging nag-alaga sa kanila; nagpapasuso ako ng aking panganay at ipinakisuso ko sila. Ang mga mujik ay nagtitipon, nagsalitaan, nagsanggunian kung ano ang marapat gawin sa kanila, at ito ang sinabi sa akin:
—Ikaw na ang bahalang mag-alaga sa mga sanggol na ito, iyong pasusuhin at mapagiisip-isip mo ang lalong magaling. Napasuso ko na ang una, nguni't ang isa, ang abang pilay ay hindi pa, hindi ko akalaing mabuhay, nguni't agad iniwaksi ko ang aking katigasang-loob; dumadaing at aking kinahabagan. Bakit maghihirap iyang kaluluwang anghel? Aking pinasuso at inalagaan ang tatlo, ang aking anak at ang mga ulila, ako nuo'y bata at malakas, kumain akong mabuti at nagkaroon ako ng saganang gatas, at ako'y pinagpala ng di kawasa ng Panginoon. Pinasusu Páhiná 37 so ko ang dalawahg bata at naghihintay ang ikatlo, pagkabusog ng dalawa, ay saka ko pinasususo ang ikatlo at ipinagkaloob sa akin ng Diyos na sila'y aking mabuhay. Ang aking anak ay namatay pagkaraan ng dalawang taon, at hindi na ako pinagkalooban, pa uli ng Diyos ng anak. Habang ito'y nangyayari ay bumubuti ang aming pamumuhay, ngayo'y natitira kami sa isang alilisan, sa bahay ng isang may tindahan. Binabayarang kaming mabuti at ang aming buhay ay tiwasay, nguni't wala akong anak. Sinu pang aking lilingapin kung wala ang mga batang ito? Wala nga akong mga kasama. Bakit ko nga di ibigin at mahalin sila? Sila ang mga anino ng aking mata at ligaya ng aking buhay.
Niyakap ng babae ang mga bata, hinagkan ang pilay at naglaro ang luha sa kanyang mga mata.
Nabubuhay ang walang ama at walang ina; hindi nabubuhay ang walang Diyos, anang kawikaan.
Gayon nagsalitaan at humanda na ng pag-alis ang babae. Sa paghahatid sa kanya nina Semel ay nalingunan si Mikhail na naka Páhiná 38 yakap ang mga kamay sa mga tuhod, ang mga mata'y nakatirik sa langit at nakangiti.
Siya'y nilapitan ni Semel at pinagsabihan.
—Anong ginagawa mo, Mikhail?
Tumindig si Mikhail, iniwan ang ginagawa, nag-alis ng tapi, yumukod sa mag-asawang panginoon niya at nagsabi sa kanilang:
—Patawarin ninyo ako, mga panginoon, pinatawad na ako ng Diyos. Patawarin naman ninyo ako.
Napagkita nina Semel, na si Mikhail ay nagliwanag. Tumindig si Semel, yumukod sa kanya at nagsabing:
—Napagkikita ko, Mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at hindi kita mapipigil sa aking piling o matatanong man. Sabihin mo lamang sa akin: Bakit ikaw ay napakawalang-imik, at totoong gitla ng ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay?
—Bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng pagkain? Nuon nga'y napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban.
Páhiná 39 Saka ng pumarito ang barini , na magpasadya ng mga bota ay napangiti kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong dalhin dito ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at nagliwanag ang iyong mukha. Sabihin mo sa akin, Mikhail. Bakit sumisilang sa iyo itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting makaitlo?
At sumagot si Mikhail.
—Sumisilang sa akin ang liwanag, sapagka't ako'y naparusahan; hinatulan ako ng Diyos at ngayo'y pinatawad na ako; ako'y napangiting makatatlo sapagka't dapat akong makarinig nga ng tatlong salita ng Diyos at aking nangarinig. Narinig ko ang una ng mahabag ang iyong asawa sa aking kaabaan, yaon nga'y una kong ikinangiti. Napangiti akong muli ng pumarito ang barini , sapagka't naihayag sa akin ang ikalawang salita; at ngayon, pagkakita ko sa mga bata ay ikinangiti kong pangatlo sa pagkarinig ko ng ikatlong salita ng Diyos.
Tinanong siya ni Semel: sabihin mo sa akin, Mikhail kung bakit ka pinarusahan ng Páhiná 40 Diyos at kung anong mga salita ito upang malaman ko naman.
Si Mikhail ay sumagot:
Pinarusahan ako ng Diyos dahil, sa aking paglabag. Sa langit ay isang anghel ako, at siya ay aking sinuway. Nuon ay isa ako sa mga anghel sa langit at sinugo ako ng Diyos sa isang kaluluwa, sa kaluluwa ng isang babae. Bumaba ako sa lupa at nakita ko ang isang babae na nakalugmok sa higaan, may sakit at kapanganganak lamang sa dalawang batang babae. Ang mga ito ay nangagsisihibik sa tabi ng ina, at siya'y napakahina na di niya mapasuso sila. Pagkakita sa akin ay nataho na kailangan ng Diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at nagsabi sa aking namamanhik:
Anghel ng Diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang punong-kahoy sa gubat; ako'y walang ina, o kapatid, o ali: ang aking mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa: pabayaan mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya mong sila'y makalaki sapagka't Páhiná 41 ang mga bata ay hindi maaaring mabuhay ng walang ama o ina.
Sinunod ko ang babae, ipinatong ko ang isang anak sa kandungan at ang isa'y sa kanyang bisig; muli akong napailanlang sa langit, at pagharap ko sa Panginoon ay sinabi kong: Hindi ko nagawing dalhin ang kaluluwa ng nanganak. Ang ama'y namatay, siya'y may dalawang anak na kambal at ipinamanhik sa akin na siya'y pabayaan kong mabuhay hanggang sa mapalaki niya ang kanyang mga anak na hindi mangyayaring mabuhay ng walang ama o ina. Hindi ko nga dala ang kaluluwang iyan.
Sinagot ako ng Diyos:
Ikaw ay yumaon at dalhin mo sa akin ang kaluluwa ng inang iyan, at mapagkikilala mo ang tatlong salita ng Diyos; iyong malalaman ang sumasa mga tao, ang hindi ipinabatid sa tao at ang bumubuhay sa tao . Pagkakilala mo ng tatlong salitang ito ay babalik ka sa langit.
Nagbalik ako sa lupa at dinala ko ang kaluluwa ng abang ina. Ang mga bata ay nagsibitiw sa sinapupunan ng ina at ang bangkay, sa pagkabuwal sa tagilirang kaliwa, ay Páhiná 42 nadaganan ang paa ng isa sa mga bata. Ng ako'y nakatayo sa may dakong itaas ng nayon upang dalhin ang kaluluwa sa Maykapal ay hinadlangan ako ng isang buhawi, nanghina ang aking pakpak at nangatikom: Ang kaluluwa ay naipalanlang sa langit, at ako'y napalugmok sa lupa sa tabi ng lansangan.
At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita:
Ako'y nanatiling mag-isa at hubad na nasa daan. Nuo'y hindi ku pa kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw o ang gutom man. Ako'y naging tao, nagdamdam ako ng gutom at di ko malaman kung anong gagawin. Nakakita ako ng isang simbahan, na itinalaga sa Walang Hanggan at inisip kong tumuloy roon. Ang pinto ay nakatalasok. Sapagka't hindi ako makapasok ay naupo ako sa pintuan at pinagsikapang kong duon makasilong; gumabi, nagdamdam ako ng ginaw, nagdamdam ako ng gutom, ininda ko, at ako'y nanginig. Páhiná 43 At ang hirap ay sumaakin. Agad akong nakarinig ng yabag sa daan; may dumarating na isang tao; may dalang mga bota at nagsasalitang ang mga ngipin ay nagngangalit. Nuon ako nakakitang una ng mukha ng taong may kamatayan, at kung sa bagay na ako'y tao na rin ay natakot pa rin sa mukhang yaon, Inilingon ko ang aking ulo at aking narinig, na nagsasalitang laban sa akin.
Paanong pakakanin ko ang aking asawa at, aking mga anak? Paanong kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap namin ng katawan? At inisip kong:
Ako'y namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang ako'y saklolohan.
Nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag-anyong marahas at nagpatuloy ng paglakad ... Nawalan ako ng pag-asa. Pagdaka'y nakita kong bumalik, siya'y aking tinignan at hindi ko nakilala: Ang kanyang mukha ay patay ng una at nakita kong nagliwanag ng larawang Diyos. Ang nanauling Páhiná 44 buhay ay lumapit sa akin, binihisan ako, tinagnan ako sa mga kamay at ipinagsama ako sa kanyang bahay. Ang kanyang asawa ay nasa sa pintuan ng dampa at nangusap: ang babaing yaon ay lalong kakila-kilabot kaysa lalaki; ang anyo ng kamatayan ay nabubuka sa kanyang bibig, ang anyong nakamamatay ng kanyang mga salita ay umiinis sa akin, at ako'y nanlupaypay; inibig niyang mahandusay na muli ako sa ginaw, sa hirap, sa kamatayan, at aking napag-unawa na siya man ay mamamatay rin sa pagtataboy sa akin. Agad pinagsalitaan siya ng kanyang asawa ng tungkol sa Diyos. Pagdaka'y nagbago ang babae; hinainan ako ng pagkain at sapagka't ako'y tinitignan niya ay tinitigan ko siya: ang patay ay muling nabuhay, at nakilala ko ang Diyos sa kanyang mukha. At aking naalala ang salita ng Diyos: Iyong malalaman ang sumasatao . Napagtalastas ko sa ganito na sumasa mga tao ang pag-ibig. Naginhawahan ako sa pagkahayag ng isa sa mga salita ng Diyos, at una kong ikinangiti; nguni't hindi ko napag-alamang lubos sa isang sandali, Páhiná 45 hindi ku pa napag-uunawa ang hindi ipinabatid sa tao ni ang bumubuhay sa tao .
Natira akong isang taon sa inyo; ang barini ay naparito na nagpasadya ng mga bota, mga botang dapat magluwat ng isang taon na hindi man lamang mahihiwid o masisira man. Tinignang ko siya at nakita ko sa kanyang siping ang isa sa aking mga kasama, ang anghel ng kamatayan; ako lamang ang nakakita; siya'y aking nakilala at aking napag-unawa na bago lumubog ang araw ay mahihiwalay ang barini sa kanyang kaluluwa at inisip kong:
Ang tao ay nagtitipon ng sa isang taon; nguni't di niya nalalamang siya'y mamamatay sa paglubog ng araw.
At aking naalaala ang ikalawang salita ng Diyos: Iyong malalaman ang hindi ipinabatid sa tao .
Ang sumasatao ay nalalaman ko na . Nalaman ko nuon ang hindi ipinabatid sa tao . Hindi ipinabatid sa kanya ang pagkukulang sa kanyang katawang ikinangiti ko.
Nguni't hindi ku pa batid, at hindi ku pa nauunawa ang bumubuhay sa mga tao . Na Páhiná 46 buhay ako sa paghihintay ng pahayag ng Maykapal, ng huling salita ng Diyos. Sa ikaanim na taon ay naparito ang babae na may kasamang dalawang batang kambal, aking nangakilala at napuna kong sila'y nabuhay. Ng magkagayo'y aking naalamang lahat at inisip ko.
Namamanhik ang ina, dahil sa kanyang mga anak at aking dininig ang ina; pinaniwalaan ko, na ang mga ulilang iyan ay natatalaga sa kamatayan at naito, na sila'y pinakain at kinupkop ng isang babae, ng isang di kilala.
At ng ang babaing iyan ay mapaiyak sa kabutihan, ng kanyang minahal at kinahabagan, ay nakita ko sa kanya ang larawan ng Diyos at aking napag-unawa ang bumubuhay sa tao . Aking napag-unawa na naipahayag sa aking ng Diyos ang huling salita at iginawad sa akin ang kapatawaran at siyang ikatlo kong pagkangiti.
At ang anghel ay naghubad ng kanyang pagkalupa at nagbihis ng liwanag; ang mga mata ng tao ay nangasilaw sa liwanag Páhiná 47 na yaon. Naglakas ng kanyang tinig na parang galing sa langit at nagsabing; At aking naunawa, na ang tao ay hindi nabubuhay sa kanyang mga sariling kailangan, kundi nabubuhay sa pag-ibig .
Hindi alam ng ina ang bubuhay sa kanyang mga anak; hindi alam ng barini ang kailangan; hindi alam ng sinumang tao na kung buhay sa gabi, ay mangangailangan ng bota o kung patay ay sandalyas.
Ako'y nabuhay sa pagkatao, hindi sapagka't kinandili ko ang sarili, kundi sapagka't inibig ng isang naglalakad at ng asawa niyaon; nangahabag sa akin at ako'y inibig. Nangabuhay ang mga ulila sapagka't nagkaroon ng isang babae na nagtaglay sa kalooban ng maningas na pag-ibig. Nabubuhay ang mga tao, hindi sapagka't kinandili nila ang sarili, kundi sapagka't ang pag-ibig ay kumandili sa kalooban ng mga tao.
Alam ko kapagkaraka, na pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng buhay at inibig niyang sila'y mangabuhay: ngayo'y napag-unawa ko na ayaw ang Diyos, na ang tao ay mabuhay na mag-isa, at dahil dito ay inilihim ni Páhiná 48 ya sa isa't isa ang kailangan. Ibig niya na ang bawa't isa ay mabuhay sa ikagagaling ng mga iba at dahil dito ay inihahayag niya sa isa't isa ng paminsan ang makabuluhan sa sarili at pati ng sa iba.
Napag-unawa ko nga na ang mga tao na may paniwalang nabubuhay sa sariling sikap, ay hindi nga nabubuhay kundi sa ngalang pag-ibig. Ang nabubuhay sa pag-ibig ay nabubuhay sa Diyos at ang Diyos ay nananahan sa kanya, dahil sa ang Diyos ay pag-ibig.
At ang anghel ay umawit ng pagpupuri sa Panginoon; umuga ang bahay sa kanyang tinig, nabuksan ang bubungan at isang haliging apoy, ay napailanlang sa kalawakan.
—Si Semel, ang asawa at ang kanyang mga anak ay paraparang nagsiluhod sa lupa. Ang Anghel ay nagbukadkad ng kanyang malalaking pakpak at umilanlang sa langit.
Ng pagsaulan ng malay-tao si Semel ay namasdan niyang ang bahay ay gaya rin ng dati na walang linalaman liban sa kanya at sa mga dating nangaroon.