Taong isang daan ualungpu at apat
mula nang manaog ang Poong Mesias,
sa Reyno nang Francia ay noon tumangap
si Clovis nang pagca Haring napatanyag.
Nang panahong yao'y ang Reyno ng̃ Francia
ay hindi cristiano at mang̃a gentil pa,
si Clovis ang siyang nagbinyagang una't
sa Dios ay siyang unang cumilala.
Sa panahong yao'y ang Borgoña nama'y
mang̃a cristianong tumangap nang aral,
nang mang̃a Apostol ni Cristong hinirang
na nagsilaganap sa sangsinucuban.
Noon ay ang Hari namang sinusunod
na namamahala ay si Agabundos,
at ang bunso niyang capatid na irog
ay yaong Infante na si Hispericos.
Ang bunying Infante ay nagca-asaua
nang isang Duquesa na si Aprodicia,
dalauang babayeng naguing Anác nila
na ang bunso'y ualang cauang̃is nang ganda.
Mabunying Infante Estatira bilang
ng̃alan nang canilang Anác na pang̃anay,
ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman
sa Reynong Borgoña'y tang̃ing cagandahan.
Bucod sa caniyang cagandahang angkin
ay nahiyasan pa nang bait at hinhin,
at nang cabanalang pagca-masintahin
sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen.
Sa araw at gabi ay di sumasala
Páhiná 4
nang pananalang̃in sa Dios na Amá,
at sa Ináng Virge't sa touing umaga'y
pilit guinaganap yaong pagsisimba.
Madalas ding siya ay nag-cocompisal
at tuloy ring siya ay nakikinabang,
lubos na caniyang pinag-iing̃atan
ang pagca-babaeng loob nang maycapal.
At bagamang cahit magcapatid sila
ang caugalia'y di nag-cacaisa,
ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na
ay ang cagaling̃an niyong caluloua.
Siya'y di gumamit magpacaylan man
niyong pananamit na lubhang maring̃al.
tunay na caniyang kinasusuclaman
yaong masasaguang mang̃a cagayacan.
Caya ng̃a at naguing casabihan siya
sa ugali't kilos tang̃i pa sa ganda,
anopa't marami ang naliligaya
bakit ng̃a sa duc-ha ay malimusin pa.
Doon na Borgoña'y isang araw naman
nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan.
caya ng̃a ang Hari at caguinoohan
ay dumalo't sampong taong caramihan.
Para-para silang nakinig nang Misa
sampon nang Infanteng Hispericos bagá
doon sa Simbaha'y napipisan sila
at nananalang̃in sa Dios na Amá.
Ginagamit nila ang boong pag-galang
at lubhang malabis na pagpipitagan,
at sila ay doon nakikipanayam
sa Dios na Haring macapangyarihan.
Isa ang Infante na si Hispericos
na capatid niyong Haring Agabundos,
sa tanang guinoo siya ay calahoc
nang pananalang̃in sa may lic-hang Dios.
Nagcataon namang sa loob ng̃ Templo'y
si Hispericos at isang concejero,
sila'y nag-uusap na nakita dito
nang Hari, ay tantong galit ay sumubó.
Caya't nang matapos ang mahal na Misa
Páhiná 5
sa palaciong lahat nang̃agtuloy sila,
tinanong nang Hari noon din pagdaca
dalauang nag-usap niyong nagsisimba.
Saad sa canila nang Haring marang̃al
na sikip sa pusò yaong cagalitan,
bakit at di bagá ninyo nalalaman
na yaong Simbaha'y laang dalang̃inan.
Tayo'y nang̃aglacbay doon at ang dahil
sa Dios na Poon ay mananalang̃in,
batid ninyong Dios ang caharap natin
bakit pag-uusap ang inyong gagauin.
Ipinalalagay ninyong ang caharap
doo'y isang taong gaya nating hamac,
at di pa hinintay na Misa'y nautas
at cayo'y doon na sa labas nag-usap.
Inaari ninyong ualang cabuluhan
ang Dios na dapat sambahi't igalang,
sa guinaua ninyong mang̃a catacsilan
marapat sa inyo'y alisan ng̃ búhay.
Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap
doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap
nang di pamarisan yaong gauang linsad
at ipinatapon ang bangcay sa dagat.
Saca namang yaong hirang na asawa
at ang isa niyang Anác na Infanta
na bilang pang̃anay na si Estatira
pinaalis silang dalauang mag Iná.
Ayon sa canilang mang̃a caasalan
na hilig ang puso sa toua at layaw
kung caya ng̃a sila'y pinagtabuya'y
di ayos cristiano ang canilang asal.
Ng̃uni't si Clotindeng bunsong iniirog
na hipag nang Hari na si Agabundos,
doon sa palacio'y nanatiling lubos
sapagca't may bait at galang sa Dios.
Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin
sa, Dios, at uili sa pananalang̃in,
caya ng̃a namahal sa Haring amain
yaong si Clotindeng may bait na angkin.
Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia
Páhiná 6
ay hindi cristiano at mang̃a gentil pa,
at ang Hari doon na kinikilala
na namamahala ay si Clovis bagá.
Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim
na yaong Reyno nang Borgoña'y bacahin,
caya ng̃a't caniyang inutusang tambing
tanang embajador nang ganitong bilin.
Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno
at ipatalastas ang cahiling̃ang co,
sa Haring lisanin ang pagca-cristiano
at sila'y sumamba sa mang̃a Idolo.
O, cung dili caya siya'y magbibigay
ng̃ buis sa baua't isang taóng araw,
na ayon sa aking maguing cahing̃ian
at siya'y sacop co ang catotohanan.
Sa cahiling̃an co'y cung susuay siya
babahá nang dugò ang Reynong Borgoña,
at mang̃a pupucsa silang para-para
sa aking dadalhing malaking armada.
Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay
sa Borgoña yaong mang̃a inutusan,
nang dumating doo'y sinabi ang pacay
sa mahal na Haring macapangyarihan.
Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat
na bilin sa inyo nang Haring nag-atas,
ay sabihin ninyong di co matutupad
ang ualang halagang mang̃a pang̃ung̃usap.
Diyata't Dios cong tunay ang lisanin
at yaong Idolo ang aking sambahin,
sa cahilingan niya'y ang aking patalim
siyang mananagot sa balang ibiguin.
Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic
yaong embajador nang Haring si Clovis,
ala-ála nila ay baca magalit
Haring Agabundos cung muling magsulit.
Ay hindi mangyaring panoorin nila
yaong cagandahan nang bunying Infanta,
pagca't sila'y hindi nacakikita pa
gayong cagandahang naca-liligaya.
Na di iba't yaong Infanta Clotilde
Páhiná 7
na ang ganda't hinhin ay cauili-uili,
ualang capintasang sucat pang masabi
ang hirang na dilag sa pagca-babae.
Caya ng̃a't sa pagcatahang tatlong araw
sa palacio niyong embajadang tanan,
ay hindi mangyari nilang pagsauaan
ang sa cay Clotildeng tang̃ing carikitan.
Yaong tatlong araw ay nang maganap na
sa Hari ay nang̃ag-paalam na sila,
at nang̃agsibalic sa Reyno nang Francia
at sa Haring Clovis humarap pagdaca.
At ipinagsabi yaong casagutan
niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay,
at nang matapos nang canilang isaysay
ang lahat, sa Hari ay sinabi naman.
Na sa palacio ay nang̃atahan silang
hustong tatlong araw, caya ng̃a't nakita,
ang dalagang ualang catulad nang ganda
at ualang pangdamdam ang di maligaya.
Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan
anhin mo'y guinaua nang balitang camay,
mata'y cung ititig at iyong pagmasdan
ay bató nang pusò ang di matiguilan.
Lalo cung ng̃umiti't siya ay mang̃usap
ay isa nang toua nang magcacapalad,
at cung sa pintuan siya'y lumalabas
anhin mo'y ang talang bagong sumisicat.
Caya caming lahat ay natitiguilan
sa hindi maisip naming carikitan,
sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man
doon ay uala nang maca-áagapay.
Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y
totoong malinis na di gaya dito,
ang mang̃a babae ay di nabubuyo
tungcol sa lalaking makihalobilo.
Sapagca't ang anyo nang mang̃a binyagan
ay iba sa ating mang̃a inaasal,
ang mang̃a babae ay iniing̃atan
ang puri't salamin ang siyang cabagay.
Yaong camahalan nang canilang ayos
Páhiná 8
maguing pang̃ung̃usap at sa mang̃a kilos,
anopa't cung ating mang̃a-papanood
bulaan ang hindi maganyac ang loob.
Ang mang̃a balitang yao'y nang mabatid
nabihag ang pusò nang Haring si Clovis,
doon cay Clotildeng balita nang dikit
namahay sa pusò ang laking pag-ibig.
Di na natahimic yaong calooban
at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay,
dahil cay Clotildeng baca di macamtan
sa pagca at siya ay hindi binyagan.
Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis
nang mang̃a balita na embajadores,
parang namamalas sa caniyang titig
yaong cay Clotildeng cagandahang labis.
Uupo't titindig noo'y tututupin
saca magbubuntung hining̃ang malalim,
hindi mapaghulo anhin mang isipin
ang lalong mabuting paraang gagauin.
Sa bagay na yao'y cusang namalagui
siya, sa lubos na pagdadalamhati,
ualang matutuhang lunas na ipaui
sa gayong pagsintang ikinalugami.
Caya't napilitang sumanguni siya
sa paham na Conde Aurellano baga,
pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na
cung caya ng̃a yaon ang siyang pinita.
Aniya'y Conde Aurellano'y icaw
ang siya cong lubos na inaásahan,
na siyang sa akin ay tutulong bilang
sa matinding dusang aking pinapasan.
Dahil sa balitang Infanta Clotilde
na taga Borgoñang hirang na babae,
ay siya cong nasang maca-isang casi
caya isipin mong paraang mabuti.
Ito ng̃a ang sanhing di co icaidlip
sa araw at gabi di icatahimic,
huag mong payagan di camtan nang dibdib
yaong si Clotildeng pinaca-iibig.
Sapagca't icaw ang totoong magaling
Páhiná 9
umisip nang mang̃a paraang gagauin,
caya ang lubos mong caya ay gugulin
sa cahirapang cong di macayang bathin.
Ano'y nang mading̃ig ang sinabing ito
nang bantog na Conde na si Aurellano,
ibig na sauayin sa pagca at moro
mahirap maibig nang isang cristiano,
Ng̃uni't siya nama'y tantong nang̃ang̃anib
na baca ang Hari ay magdalang galit,
caya ang uinica'y iyong itahimic
Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip.
Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ
ay lilining̃ing co ang paraang pauâ,
anang Hari nama'y icaw ang bahala't
tanang cailang̃an ay nang maihanda,
Ang mahal na Conde ay napaalam na
at siya'y omuui sa tahanan niya,
inisip ang lalong paraang maganda
na macaulayaw ang bunying Infanta.
Sa gayong caniyang mang̃a pag-lilining
nacatuclas niyong paraang gagauin,
na icausap sa himalang ningning
caya't sa palacio'y naglacbay noon din.
Hari co aniyang macapangyarihan
aco'y mayroon nang maguiguing dahilan,
pagca't sa veinte cinco nitong buan
nang Diciembre, Pascua nang mang̃a binyagan.
May ugali yaong Infanta Clotilde
na maglimos siya sa mang̃a pulubi,
yaon ng̃a ang siyang panahong mabuti
na ang ating nasa'y malapit mangyari.
Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin
cun ano ang ating cacailang̃anin,
na nauucol mong doon ay taglayin
sa Reynong Borgoñang iyong tutung̃uhin.
Tugon niyong Conde na si Aurellano
ay isang singsing po ang ipagaua mo,
na guintong dalisay saca ang retrato
mo'y siyang tampoc na ilagay dito.
Gayong cailang̃an ay nang maisaad
Páhiná 10
sa mahal na Haring agad na guinanap
at iba pang mang̃a cailang̃ang dapat
sa pagsasacdalan ng̃ sa Haring hirap.
Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na
tinung̃o nang Conde ang Reynong Borgonya
pagca't malapit nang dumating ang Pascua
niyong pang̃ang̃anac sa nacop sa sala.
Di lubhang nalaon yaong paglalacbay
ang Reynong Borgonya'y cusang niyapacan,
at doon naghintay na may ilang araw
nang sayang ugali nang cacristianuhan.
Niyong sumapit na ang aveinti-cinco
na capang̃anacan sa Divino Verbo,
na inuugali nang mang̃a Cristiano
na puspos ang sayá sa araw na ito.
Sa gabing visperas nang nasabing Pascua
na pinang̃ang̃anlang bagang Nochebuena,
doon sa Simbaha'y gagauin Misa
Infanta Clotilde'y pilit magsisimba.
Ang pag Mamaytinez ay bago iraos
sa mang̃a pulubi siya'y maglilimos,
Conde Aurellano ay doon lumahoc
sa mang̃a pulubi't siya'y nakiayos.
Caya't nang dumating ang bunying Infanta
na may dalang supot na pang limos, baga,
nang casalucuyang namamahagui na
nakihanay naman ang Conde pagdaca.
At noong siya na ang linilimusan
ay agad humalic sa Infantang camay,
cay Clotilde namang nahalatang tunay
na hindi pulubi siya't taong mahal.
Nagualang kibo na't nang hindi mahayag
Misa'y nang matapos ay ipinatauag,
ang Conde, at niyong dumating sa harap
malubay na galit ang ipinang̃usap,
¿Bakit ca gumaua (anya) nang ganito
na pinang̃ahasang hagcan ang camay co,
ang cadahilana'y ipatalastas mo
sampon nang pang̃alan cun icaw ay sino.
Ang tugon nang Conde ó Infantang mahal
sinugo nang Haring sa iyo'y ialay
ang singsing na tanda nang sintang dalisa'y.
Nang sa cay Clotildeng abutin nang titig
may larauang sinsing nang Haring si Clovis,
(aníya'y) paano ang aking pag-ibig
siya'y di Cristiano't di co capanalig.
Ang sa Condeng tugo'y huuag manimdim ca
cung tungcol sa gauang pagsampalataya,
tunay na hindi makikialam siya
caya ng̃a hindi ca sucat na mang̃amba.
Sandaling nag-isip sa gayong sinabi
ang hiuagang gandang Infanta Clotilde,
mahinahon niyang dinidilidili
ang cahihinatnang huling pangyayari.
Tang̃i dito'y di co magagaua naman
ang aking sariling mang̃a calooban,
aco'y may amaing dapat pagsabihan
lalo't sa ganitong may halagang bagay.
Tangapin mo na po ang sagot nang Conde
ang sinsing na itong tanda nang pagcasi,
at sa amain mo'y bahàla na caming
na mag embahadang sa canya'y magsabi.
Mabatid ang gayon nama'y tinangap na
ang regalong sinsing nang Hari sa Francia,
ang sa Condeng uica ay ng̃ayon (aniya)
sa Francia ay Reynang kikilalanin ca.
Sa sinabing yaon ay di umiimic
ang bunying Infanta't parang di naring̃ig,
at ualang halaga sa caniyang isip
yaong carang̃alang bagay na binanguit.
Tunay na ualanguala sa loob niya
nasa'y cung sa Hari siya'y macasal na,
ay maguing binyagan ang Reyno nang Francia't
sa totoong Dios ay magsikilala.
Magandang adhicang lubos na panimdim
ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin,
ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing
ay napaalam nang toua ay sabihin.
Nang siya'y dumating sa Reyno ng̃ Francia
Páhiná 12
ang uica sa Hari icaw po'y magsayá,
pagca't ang larawan mo po'y tinangap na
nang pinaglacbay cong irog mong Infanta.
Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis
ang cay Aurellanong uica'y nang mading̃ig,
at biglang napaui sa caniyang dibdib
yaong calumbayang di icatahimic.
Ipinatauag nang lahat ang guinoo
sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno,
dumating na lahat naman sa palacio
yaong tanang piling mang̃a Caballero.
Sa Haring cay Clovis nang maharap sila
(aniya) ay cayo'y caya co pinita,
gumayac ng̃ayon din cayong para-para
at mag si paroon sa Reynong Borgonya.
Ipamanhic niniyo sa cay Agabundos
na Hari, nang boong pacumbabang loob,
na marapatin nang caniyang itulot
ang Francia't Borgonya'y magcaisang lubos.
Ang lalong mabuting mang̃a pang̃ung̃usap
sa cay Agabundos ang siyang isaad
daanin sa mang̃a magandang hicayat
upang mahinahong siya ay pumayag.
Tanang cailang̃an ay iguinayac na
at nang̃agsilacad noon din pagdaca,
di lubhang nalaon ay dumating sila
sa canilang tung̃ong Reyno nang Borgonya.
Sila'y nagsipanhic sa palacio real
at nagbigay niyong boong cagalang̃an
Haring Agabundos ay gumanti naman
tuloy pinaupo silang calahatan.
Nang mang̃a licmo na'y saca inusisa
niyong paglalacbay cun anong adhica,
anang embajahada'y ang boong payapa
sa camahalan mo ang ipinag sadyá?
Ang utos sa amin nang Haring si Clovis
sa iyong sanghaya'y aming ipamanhic,
na marapatin na nang mahal mong dibdib
Francia at Borgonya naua'y magcasanib.
Maguing isang hiyas ng̃ Reyno ng̃ Francia
Páhiná 13
Infanta Clotilde ang kilanling Reyna,
sa Hari't saca sa tanang sacop niya
ay isang dakilang turing na ligaya.
Haring Agabundos ay niyong mabatyag
ang sa embajadang mang̃a pang̃ung̃usap,
(aniya'y) paano ang aking pagtangap
si Clovis, ay gentil na aking talastas.
Ang sagot nang piling mang̃a embajada
icáw po ay huag na mag-ala-ala,
cung tungcôl sa gauang pagsampalataya
ay di mangyayaring sisirain niya.
Saca tang̃i ditoy ang mang̃a ligalig
nang Francia't Borgonya ay matatahimic,
at mag-iisa nang damdamin ang dibdib
at maiilagan ang pagcacaalit.
Dirin hamac namang pang̃ang̃ahasan pa
nang cahima't sino ang Francia't Bogonya,
sa pagca at mapagtatalastas nila
na iisang loob ang Reynong dalaua.
Ani Agabundos ay mangyayari
yaong hiling niniyo na ipinag sabi,
saca di papayag yaong si Clotilde
na sa di Cristiano'y makiisang casi.
Nang sa tesorerong mading̃ig ang saad
ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas,
nang bunying Infanta't sa pagcacaharap
nang Hari, at mang̃a consejong lahat.
Cay Agabundos ng̃ang tunay na namasid
sinsing na mayroong larauan ni Clovis,
na sa cay Clotildeng ining̃atang tikis
caya ng̃a at siya ay nag bagong isip.
(Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy
na ang pamangking co'y maycusang pag-ayon,
aco ay uala nang masasabing tugon
cundi ang sumama siya't siyang ucol.
Ipinatauag din namang ualang liuag
ang pamangkin niya't pagdating sa harap,
ng̃ayon din (aniya) icaw ay gumayac
paroon sa Francia't tuparin ang usap.
Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta
lumuhod sa harap nang amain niya't
huming̃ing bendicion at napaalam na.
Cay Agabundos din na pinasamahan
sa lahat nang Dama ang pamangking hirang,
lumacad na sila na hindi naliban
at ang Reynong Francia ang pinatung̃uhan.
Nang dumating doo'y sinalubong sila
niyong buong Reyno nang dakilang sayá,
sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna
na capayapaan nang Francia't Borgonya.
Ang Haring si Clovis ay sumalubong din
na caguinoohang madla ang capiling,
caya't nang makita ang himalang ningning
ang toua nang pusò ay ualang cahambing.
Niyong dumating na sa palacio real
ay saka ginanap ng̃ kinabukasan
ang inuugali nilang pagcacasal
na caacbay sampon ng̃ caguinoohan.
Boong Reyno nama'y nag-aalay ng̃ saya
tanda niyong ganap na paggalang nila,
sa boong casulocsulucan nang Francia
ay namimintuho sa canilang Reyna.
Ang oras ng̃ gabi ano'y ng̃ dumating
ng̃ mahihiga na Reyna'y nanalang̃in
ng̃ casalucuyan ng̃ pananaimtim
sa Dios, ang Hari lumapit sa siping.
Saca ang uinica'y casing minamahal
at pang̃inoong cong pinaglilingcuran,
humiling nang iyong maibig na bagay
at tunay na hindi kita masusuay.
Ualang minimithi aco anang Reyna
cundi ang icaw ay sumampalataya,
sa iisang Dios na tatlong Persona
na uala sinomang lalalo pang iba.
Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan
at siya ang Dios na ualang capantay,
tang̃i sa tayo'y caniyang linalang
sa salang minana'y siya ang humadlang.
Tanang mang̃a Dioses na sinasamba mo
Páhiná 15
iya'y pauang lic-ha lamang ng̃ Demonio.
siyang dumadaya sa lahat ng̃ tao,
upang macaramay nila sa Infierno.
Sa dahilang sila ay pinarusahan
ng̃ Dios, at ayon sa capalaloan,
sa adhica nilang sa Dios mapantay
ang napala'y hirap magpacailan man.
Caya ng̃a sa iyo'y isinasamo co
na lisan ang Dioses na sinasamba mo,
at talicdan mo na iyang pagca moro
at iyong harapin ang pagkikristiano.
Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay
sa lang̃it, ay buhay namang ualang hangan,
ang nasa loob nang cay Cristong bacuran
at sundin ang utos ay gloriang cacamtan.
Ng̃un'i yaong mang̃a aayaw pabinyag
dusa sa Infierno'y siyang malalang̃ap,
at ang sa totoong Iglesia'y lumabas
ay sa Infierno ri't lalang̃ap ng̃ hirap.
Sa bagay na ito ay cung mabinyagan
icaw, at gayon din ang lahat mong caual
at sundin ang utos ng̃ Dios na mahal
upan ding matamó ang payapang bayan.
At ipatayo mo uling panibago
ang mang̃a Simbahang ipinasira mo,
at ihing̃ing tauad ang lahat nang ito
sa iisang Dios na Personang tatlo.
Isa pang samo co ay iyong sing̃ilin
ang ari ng̃ aking Amang guiniguiliw
sa cay Agabundos na aking amain
na siyang humatol cay Amang patain.
Ang di catuirang canyang guinaua
lubos cong sa Dios ipinabahala,
ang cay Clovis namang binigcas na uica
ang unang hing̃i mo'y mabigat na lubha.
Di ng̃a maaamin niyaring calooban
na ang mang̃a Dioses ay aking talicdan
at lubhang marami akong cautangan
na caloob niyang mang̃a bagay bagay.
Animo'y Dios mo ang aking sambahin
Páhiná 16
at ang mang̃a Dioses ay aking limutin,
ay iba nang bagay ang iyong hiling̃in
at tunay na hindi kita susuayin.
Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad
ay cagaling̃an mo cung caya co hang̃ad,
ng̃uni't cung sa iyo ay minamabigat
tungculin co lamang na ipatalastas,
Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha
nang lahat nang bagay maguing lang̃it lupa
siya'y tumigil na't di na nagsalita
at ang usap nila'y napayapang cusa.
At ng̃ maumaga Hari ay nag-utos
sa embajadores na caniyang lingcod
na sila'y humarap sa cay Agabundos
at sabihin nila na ipagcaloob.
Ang lupa ng̃ Reyna at ang mg̃a bayan
na minana bilang sa Amang namatay
at inyong hintayin yaong casagutan
cung ibibigay niya ó caya hindi man.
Mang̃a embajada pagdaca'y lumacad
at cay Agabundos sila ay humarap,
nang dumating doo'y ipinatalastas
ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas.
Niyong maunaua yaong cahiling̃an
sa cay Agabundos namang ibinigay,
ang ucol na mana nang pamangking hirang
at ang pagtatalo'y upang mailagan.
Tanang casulata'y nang maigauad na
ay napaalam na yaong embajada,
at sila ay agad nagbalic sa Francia't
na Haring nag-utos ibinigay nila.
Iguinauad naman nang Reynang butihin
yaong casulatan caya't nang malining,
ay napasalamat at ualang hilahil
na ibinigay nang tunay na amain.
Mang̃a pagsasama'y lubhang mahinusay
at nagsusunuran silang malumanay,
pang̃aco ni Clovis ay guinagampanang
sa sampalataya'y di makikialam.
Cay Clotilde namang laguing hinihiling
Páhiná 17
sa Dios, cung siya ay nananalang̃in,
na ang calooban ay paliuanaguin
nang asaua't iuan yaong pagcahintil.
Di lubhang nalaon niyong pagsasama
ay isang lalaki yaong naguing bung̃a,
Hari ma'y aáyaw na binyagan niya
ay inamo rin ng̃a nang sabing maganda.
Sa gayong caniyang mang̃a paghicayat
ay napilitan ding Hari ay pumayag,
bininyagan na ng̃a't ng̃alang itinauag
ay si Rosalino sa bugtong na Anác.
Ang toua nang Reyna ay di ano lamang
at ang hiling niya'y cusang pinayagan,
ng̃uni't nang dumating ang icatlong araw
bata'y nagcasakit at nakitlang búhay.
Caya ang uinica nang Haring si Clovis
sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig,
na huag binyagan at sa aking Dioses
ay iyong ialay at doon manalig.
Sangol ay di sana búhay ay nakitil
at ualang pagsalang canyang aamponin,
ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin
ay di dinaramdam nang pusò't panimdim.
Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat
aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat,
na ipinagsama't cusang minarapat
sa bayang payapa nang Santos at Santas.
Yaong unang bung̃a nitong aking tiyan
caya ng̃a hindi co ikinalulumbay,
at tunay na aco'y di macasusuay
sa balang caniyang maguing calooban.
Malibang panahon ay muling nagbuntis
ang Reyna Clotilde sa aua nang lang̃it,
ng̃uni't lalaki rin yaong sa pag-ibig
nila'y naguing bung̃a na aliw nang dibdib.
Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan
ng̃uni at sa Reynang pinakiusapan,
caya't sa pagsamong lubhang malumanay
nang Reyna sa Hari, ay umayon naman.
Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad
Páhiná 18
noon din ang bata'y bininyagang agad,
at Sigesmundo ang ng̃alang itinauag
nang Rey sa Clotildeng loob na banayad.
Cun anong talaga niyong calang̃itan
ay nang macaraang may ilan nang araw,
na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan
ualang ano-ano nama'y nagcaramdam.
Na paulit-ulit at di mapagaling
caya ng̃a't ang asa ay mamamatay rin,
ang uica nang Hari sa Reynang butihin
cundang̃an ayaw cang makinig sa akin.
Uica co sa iyong huag mong binyagan
at baca ito rin ang siyang caratnan,
sapagca't ang gauang iya'y nalalaban
sa Dioses, cung caya kita'y sinasanay,
Pag-iya'y namatay na gaya nang una
ay lubos na icaw ang siyang maysala
dahil sa sabi cong ayaw makinig ca
ang Dioses sa iyo'y galit nang talaga.
Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin
ualang caliuaga't mangyayaring tambing,
ang Anác mong iya'y cung ibig patain
ualang kisap matang búhay ay makitil.
Cung ibiguin niya naman ang mabuhay
mangyayari cung caniyang calooban,
at tunay na siya ay may carapatan
caya ng̃a dapat mong sampalatayanan.
Icaw ng̃a sa caniya ay magmacaaua
nang upang ang galit sa iyo'y mauala,
nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa
ang tanang biling co'y ganapin mong biglá.
Ang butihing Reyna ay di umiimic
ala-alang baca Hari ay magalit,
caya ng̃a't sa Dios ay inahihibic
na pagaling̃in na ang Anác na ibig.
Upang yaong maling pagsampalataya
nang Haring si Clovis na sintang asaua,
ay di manatili nang mang̃a pagsamba
sa mang̃a Idolo na ualang halaga.
Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot
ay di guminhaua't búhay ay matapos
caya di mapalagay ang caniyang loob.
Yaon ang dahilang di icagupiling
at laguing sa Dios ay idinadaing,
na ipagcaloob nauang pagaling̃in
ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.
Saca sa asaua'y isinamo naman
na ipagpagaua siya nang Simbahan,
na laang caniyang pananalang̃inan
sa Dios na Amáng macapangyarihan.
Cahiling̃ang yaon nang mahal na Reyna
ay sinunod naman nang sintang asaua,
sa dagling panaho'y nagpagaua siya
ayon sa pagtupad nang pang̃aco niya.
Hari palibhasa ang siyang may atas
ang nang̃agsigaua'y daming dili hamac,
caya't nayari rin namang ualang liuag
ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining
na magagaua nang doo'y manalang̃in,
isang batóng marmol ay nagpacuha rin
at ipinag-utos na pacalinisin.
At doon sa guitna'y ipinaukit niya
ang pang̃alan nang Vírgen Santa María,
nang mayari nama'y ipinalagay na
sa guinauang Altar na itinalaga.
Cusang pinag-ayos na pinakarikit
at madlang pamuti ang doo'y guinamit,
doon nanalang̃ing taimtim sa dibdib
sa ng̃alan nang Vírgen matá'y nacatitig.
Nang pananagano nang mahal na Reyna
sa Dios na Poon at Vírgen María.
marami rin ng̃ang sa caniya'y gumaya
na nagsidalang̃ing nanicluhod sila.
Sa pananalang̃in nang naroong lahat
may nading̃ig silang voces na nang̃usap,
na labis nang tinig at lubhang malacas
caya't silang tanan ay nacatalastas.
Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay
Páhiná 20
ang lahat nang iyong mang̃a caraing̃an,
cung magcristiano na ang Franciang calac-han
ay di malulubos cahit masira man.
At may binyagan ding hindi titiualag
cay Cristong bacura't hindi ng̃a ang lahat,
at mananatili sa tunay na landas
na cay Jesucristong dito'y itinatag.
Cung tumalicod man sa pagcabinyagan
ay ang natitira'y marami rin naman,
at ang isip nila'y maliliuanagan
niyong pagkilala sa catotohanan.
Bagaman sa Reynang voces ay nalining
ang pananalang̃in ay itinuloy rin,
malumanay niyang pinacahihiling
na ipagcaloob nauang pagaling̃in.
Yaong caramdaman nang caniyang Anác
at bigyan pa naman nang buhay at lacas,
nang hindi magalit ang Haring marilag
at sisihin siya niyong pagcabinyag.
Caniya rin naman na iniluluhog
sa di matingcalang darakilang Dios,
na yaong asaua ay magbagong loob
at cusang talicdan ang mang̃a Idolos.
Moli't moli niyang ipinananaing
sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.
dining̃ig din yaong caniyang dalang̃in
ang sakít nang bata ay biglang gumaling.
Lumacas at yaong cataua'y humusay
na anaki parang nagdahilan lamang,
Hari ay nagtaca sa ganoong bagay
at inaasahan na niyang mamamatay.
Caya ng̃a't ang toua niya'y hindi hamac
at hindi masayod ang panguiguilalas,
gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat
ang caniyang pusong malabis nang tigas.
Tunay at lubos din yaong pananalig
sa caniyang mang̃a sinasambang Dioses,
at di rin nanglumay yaong batóng dibdib
doon sa malaking biyayang namasid.
Patuloy ang dating camalian niya
nang nananahimic ay caracaraca
ay dumating yaong sugong embajada.
Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis
ang canilang layon ay ipinagsulit,
anila ay cami inutusang tikis
niyong aming Haring sa tapang ay labis.
Na namamahala sa Reynong Italia
at dalauang bagay yaong hing̃i niya,
ialay ng̃ayon din ang Cetro't Corona
ó ang pasalual tayo't magbatalla.
Caya magnilay ca't iyong pag-isipin
ang capahamacang iyong sasapitin,
cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim
na casacunaa'y siyang tatamuhin.
Ang sa Haring Clovis namang casagutan
ang corona't cetro'y di maiaálay,
at doon sa campo cayo ay maghintay
at lalabas caming hindi maliliban.
Napaalam na ng̃a yaong embajada
anila'y maglucsa na ng̃ayon ang Francia,
sa buhay na mang̃a mapapalamara
na mang̃a-aamis sa pagbabatalla.
Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot
na canilang Haring nagbigay nang utos,
anila'y hintayi't dito'y maglalagos
at natatalagang sila'y makihamoc.
Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca
nang Haring si Clovis ang basallos niya,
at niyong matipo'y ipinabilang na
cay Aurellano na General baga.
Cabilang̃ang lahat nang mang̃a soldado'y
hustong isang daan at tatlumpong libo,
ibig din matanto nila cung gaano
yaong cabilang̃an nang calabang dayo.
Ang guinaua nama'y nagpabihag siya
nang isang soldado nang taga Italia,
na nagsisilibot sa caharian nila
at yaon ang siyang inusisa baga.
Na ang cabilang̃an nila'y cung gaano
(aniya) ay caming nang̃aglacbay dito'y
hustong cabilang̃an ay limangpung libo.
Matapos sabihin ang ganoong bagay
soldadong binihag nila'y pinaualan,
at natanto nilang cacaunti lamang
ang mang̃a cristiano na macacalaban.
Inilacad nang̃a ang canilang tropa
at sampon nang Haring Clovis ay casama,
tinung̃o ang lual nang mang̃a cabaca
at nang̃ag-ayos na ang isa at isa.
Makita nang Hari yaong caramihan
nang soldado niyang makikipaglaban,
at yaong Cristiano ay cacaunti lamang
caya't mananalo na inaasahan.
Nagsagupa na ng̃a ang hukbong dalaua
at pinasimulan yaong pagbabaca,
mang̃a lobong gutom ang siyang capara
nang pagpapamooc nang isa at isa.
Pagcapalibhasa'y ang mang̃a cristiano
ay nang̃ananalig sa totoong Dios,
na pinagtitibay sa canilang loob
caya ng̃a't ang tapang ay lubos na lubos.
At ang Hari nama'y nanalang̃ing cusa
sa Dios at lubos na napacaling̃a,
at buong-buo niyang ipinaubaya
sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
Hinihing̃i niyang bigyang calacasan
ang caniyang campon sa pakikilaban,
upang makilala ang Dios na tunay
at ang pagca moro'y canilang talicdan.
Sa di naglulubag na pagpapamooc
nang dalauang hucbong cakilakilabot,
ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog
nang taga Franciang cay Clovis na sacop.
At di macasahò nang pakikilaban
at nang̃agagahis nang mang̃a binyagan,
bagaman at sila'y totoong macapal
ay lubhang marami naman ang napatay.
Nang sila ay mang̃agcatiua-tiualag
Páhiná 23
doon sa canilang mang̃a paglalamas,
ay napilitan din na cusang tumacas
ang Haring si Clovis sa malaking sindac.
At tinung̃o niya yaong cagubatan
at doon nagtago sa tacot na taglay,
at doon na lamang niya tinatanaw
ang caniyang campong nakikipaglaban.
Saca sa malayo ay minalas niya
ang caniyang campong nakikipag-baca.
ay tunay na nang̃agsisipanglumay na
at di na magauang makipaglaban pa.
Totoong marami ang mang̃a napatay
na pauang guinahis ng̃ mang̃a caauay,
caya't caramihan ay binibitiuan
ang mang̃a sandata at nagtatacbuhan.
Nang makita ninya ang ganoong ayos
ay tantong nasira ang caniyang loob,
sa caniyang campong nagcasabogsabog
at ualang magaua nang pakikihamoc.
Dito na sinisi't cusang pinaglait
ang caniyang mang̃a sinasambang Dioses,
(aniya) ay sayang ng̃ aking malabis
na suyo sa inyo't mang̃a pananalig.
¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan
at hindi gamitin ng̃ayong cailang̃an
ano't natitiis at binabayaan
ang mang̃a campong co at hindi tulung̃an?
Sa pakikibaca't upang di maamis
tanang vasallos co na iyo ring cabig,
saclolo mo'y ano at ikinacait
ng̃ayong cailang̃an sa pakikicaliz.
Bakit ng̃ayo'y parang di mo dinaramdam
na nang̃alulupig nang mg̃a caauay,
ang cabagsican mo naman ay nasaan
at hindi gamitin sa ganitong araw.
Sayang ng̃ lahat cong mang̃a paggugugol
sa inyo't pagsambang mahabang panahon
cung aco ay datnan pala ng̃ lingatong
ay di ca mangyari namang macatulong.
Nang casalucuyang siya'y nagagalit
Páhiná 24
na pinagmumura yaong mang̃a Dioses,
ualang ano ano ay siyang paglapit
nang ilan sa caniyang mang̃a Generales.
At ang uica'y Haring pang̃inoon namin
cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,
ayon sa ganitong pagcasahol natin
caya mahinahong icaw po'y malining.
Isinagot naman nang Haring si Clovis
na ang voces niya'y tantong nang̃ing̃inig,
cun anong mabuting inyong iniisip
sabihin ng̃ayon di't nang aking mabatid.
Cay Aurellanong uica ay dahilan
sa napagsasapit nang iyo pong caual,
ualang calahati ang mang̃a binyaga'y
cung bakit sila pa ang nagtatagumpay.
Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas
at capangyarihang magagauang dapat,
ay di babayaan niyang mapahamac
ang caniyang campon sa pakikilamas.
Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't
di gaya ng̃ Dios ng̃ mang̃a binyagan,
cung sila'y may ganap na capangyarihan
panahon na'y bakit hindi saclolohan.
Caya ang laon nang ipinagsasabi
na iyo, ng̃ aming Reynang si Clotilde,
ay siyang sambahi't doon mamarati
at siyang sa atin ay magcacandili.
At tunay ng̃ang siyang Dios na totoo
yaong sinasamba nang mg̃a Cristiano,
siyang sa canila ay sumasaclolo
caya ng̃a ang hiling ng̃ Reyna'y sundin mo.
Siya ang lubos mong sampalatayanan
ng̃ taos sa puso at siyang tauagan,
at nang upang ating camtan ang tagumpay
sa ang campon mo po'y bigyang catapang̃an.
Matapos ang gayong mang̃a pang̃ung̃usap
ang ulo nang Hari tambing itinaas,
mang̃a vasallos niya ay cusang namalas
na nagtatacbuha't ang tung̃o'y sa gubat.
Ipinagtatapon ang mang̃a sandata
sapagca't maraming nang̃apapatay na
na nalulugami sa pakikibaca.
Caya ng̃a ang luha niya ay dumaloy
sa pagcapahamac nang caniyang campon,
pinasisimulan na ang mang̃a pagtaghoy
at pamimintuho sa Dios na Poon.
Mataimtim niya na sinasamahan
nang sampalatayang totoong matibay,
na taos sa pusò niya't calooban
gayari ang uicang mang̃a sinasaysay.
¡O Pang̃inoon co aniyang Jesucristo
na Anác nang isang Dios na totoo,
icaw ang sinasampalatayanan co
at lubos ang aking pag-asa sa iyo.
Icaw ang madalas sa aking iaral
nang aking asauang tunay na binyagan,
cung nang una kita'y tinanguihan man
ng̃ayon ang Dios co'y uala cundi icaw.
Lubos na lubos ng̃ang umaasa aco
sa mahal mong aua't tunay na saclolo,
yamang ang sinomang paampon sa iyo
sa casacunaa'y itinatangol mo.
Caya sumasamong lauitan mong habag
acong lumulung̃oy sa mahal mong harap,
yayamang sa mang̃a pang̃anib at sindac,
capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.
Ling̃apin mo na po't iyong isangalang
sa hucbong mabang̃is na aming caauay,
taos sa pusò co na inaasahan
ang mahal mong graciang aming macacamtan.
Mabalino ca po't iyong timauain
ang napipipilang calagayan namin,
yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin
ualang caliuaga't mangyayaring tambing.
Pahayag nang aking asaua ay gayon
caya ng̃a sa iyo'y humihing̃ing tulong,
sa iligtas mo po't huag ding masahol
sa mang̃a cabacang mahiguit sa leon.
At ang cabagsican ay magsipang-lumay
Páhiná 26
niyong mababang̃is na aming caauay,
at tunay pong aco ay magbibinyagan
sampon nang lahat cong nang̃asasacupan.
Ualang salang sila'y patatangaping co
nang tubig na mahal nang Santo Bautismo
matibay na aking pang̃aco sa iyo
caya po iligtas sa sacunang ito.
Lahat ng̃ anito'y aking tatalicdan
at ang mang̃a Dioses ay gayon din naman,
at uaualin co na silang cabuluha't
ang sasambahing co'y uala cundi icaw.
Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo
at mang̃a mezquita ng̃ tanang Idolo,
sa buong cahariang nasasacupang co
sampong Altar nila'y gagauing cong abó.
Saca ang canilang lahat na larawan
ipamumunglay cong ualang caliuagan,
ualang ititira ni cahit isa man
at magbabago na acong calooban.
Matapos ang gayong mang̃a panalang̃in
ang vasallo niya'y muling tinanaw rin,
ay nakita niyang nang̃agsipagtiguil
ang mang̃a cristiano't tapang ay nagmaliw.
At uala mang utos yaong puno nila
ay nang̃agsiurong silang parapara
sa tayo ng̃ dating calagayan nila
niyong pasimulan ang pagbabatalla.
Makita ni Clovis yaong pagcabigla
nang sa Dios bagang mang̃a pagcaaua
lalo nang nalubos ang paniniuala
sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
Cusang nanaimtim na ng̃a sa puso niya
yaong matibay na pagsampalataya,
na tutupdin niya na ualang pagsala
ang mang̃a pang̃aco na di mag-iiba.
Tanang vasallos niya'y tinipong madali
at sa caharian sila'y nagsioui
marami mang búhay yaong nalugami
ng̃uni't ang nanalo'y sila rin sa uri.
Nang sila'y dumating sa Reyno ng̃ Francia
malabis ang toua nang mahal na Reyna
sa himalang yaon ng̃ Dios na Amá.
Lalo nang sabihing siya ay tatanggap
nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,
caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag
ng̃ isang Obispong cabanala'y ganap.
Di lubhang nalao'y dumating sa Francia
banal na Obispo na si Rami baga,
niyong maharap na sa mahal na Reyna
boong cagalacang nang̃agbati sila.
Ang uica ng̃ Reyna sa Obispong mahal
ang Hari po'y iyo ng̃ayong pang̃aralan,
na ipakilala ang Dios na tunay
sapagca't tatangap nang pagcabinyagan.
Kinacailang̃an mo pong ipatalos
ang mang̃a tadhana at utos nang Dios,
at sa puso niya'y ikinintal na lubos
yaong sa cristianong mang̃a sinusunod.
Sa Obispo namang sinunod pagdaca
tanang cahiling̃an nang mahal na Reyna
at mahinahong pinang̃aralan niya
ang mahal na Hari nang yamang maganda.
Ipinatalastas yaong bagay-bagay
na dapat asalin nang cristianong tunay,
at ang isang Dios na ualang capantay
na lumic-ha nitong boong santinacpan.
At bagaman turing na tatlong Persona
ay ang pagca Dios nila ay iisa,
ualang huli't una naman sa canila
at saca uala rin macapapantay pa.
Siya ng̃a ang Hari nang lupa at lang̃it
na sa carunung̃a'y ualang cahalilip,
siya ring sumacop sa guinauang lihis
ni Ada't ni Evang naraya ang isip.
Uala ring gagauing maliuag na bagay
sa caniya't yari balang maibigan,
siyang nagbibigay nang caparusahan
nang sa mang̃a utos niya'y sumusuay.
At ang gumaganti naman ay siya rin
Páhiná 28
nang lang̃it, sa mang̃a may gauang magaling
sa caniya nama'y ualang nalilihim
maguing gaua't uica't iniisip natin.
Nang talos ng̃ lahat ng̃ Haring marang̃al
ang bagay na dapat sampalatayanan,
uica ng̃ Obispo'y iutos mo naman
na magpatayo ca nang mang̃a Simbahan.
Sa boong cahariang nang̃asasacop mo
baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio
na pagbibinyagang laan sa cristiano't
siyang cailang̃an ang bagay na ito.
Tuloy mo rin namang palagyan ng̃ Altar
ang ipatatayong lahat nang Simbahan,
doon sasambahin nang boong pag-galang
ang Dios na Amang macapangyarihan.
Palagyan mo namang larauan ang lahat
nang cagalang-galang na Santa Trinidad,
na sila ay tatlo sa pagca Personas
at sa pagca Dios ay iisang ganap.
Nang araw ring yao'y nagpatauag naman
nang magsisigaua nang mang̃a Simbahan
at nang dumating na uica'y pasimulan
ang Simbaha'y gaui't aking cailang̃an.
Cayo ay humanap ng̃ maraming tao
sa dagling panahon ay yariin ninyo,
at cung matapos na ang hiling cong ito
sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.
Ang gagauin ninyo ay pacatibayin
at lalong maganda na pacarikitin
at saca ang Altar naman ay gayon din
at doon ang lahat ay mananalang̃in.
Cahi't bayang lalong na sa cabunducan
ay tatayuan din nang mg̃a Simbahan,
at tayong lahat ay mang̃agbibinyagan
at ang pagca gentil ay ating iiuan.
Sapagca't cung hindi sa totoong Dios
aco, dumalang̃in nang buong pagluhog,
nalipol marahil ang tanang soldados
at ang ating Reyno ay naguing busabos.
Gayong pagtauag co sa ating Dioses
Páhiná 29
nang ang ating hucbo ay nasa pang̃anib,
ang mang̃a cristiano'y lalong bumabang̃is
at hindi maglubay nang pamimiyapis.
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan
ay biglang humupa yaong catapang̃an,
nang mang̃a cristiano't agad tiniguilan
ang marahas nila na mang̃a pagpatay.
Doong co natantong pauang sinung̃aling
ang mang̃a Idolong sinasamba natin,
caya mula ng̃ayo'y ating lilisani't
Dios nang cristianong ating sasambahin.
Tanang inutusa'y agad nagsilacad
hiling na Simbahan ay guinauang agad,
ang Haring si Clovis ay moling nag-atas
noon din sa mang̃a campon niyang lahat.
Na huag maliban at sunuguing pilit
ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,
at tanang Idolo't tadhanang mahigpit
magpahangang bundoc ay pugnauing tikis.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos
tanang inutusa'y agad nagsisunod,
ang mang̃a Dioses at Templo'y sinunog
sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.
Saca nang mayari naman ang Simbahan
ang Haring si Clovis doon ay naglacbay,
casama ang lahat nang caguinoohan
at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Obispong S. Rami ang siyang buminyag
sa mahal na Haring nagtamo nang palad,
at si Clodoveo ng̃alang itinauag
nang pagca cristianong caniyang tinangap.
At nang papahiran nang mahal na crisma
na ayon sa utos nang Santa Iglesia,
ay isang himala ang nakita nilang
biyayang caloob nang Dios na Amá.
Isang calapating sa lang̃it nagmula
na sacdal nang puti na catua-tua,
na sa loob niyong Simbahan bumaba
at isang redomo ang taglay sa tuca.
Na punó nang lana, ó crisma ang tauag
Páhiná 30
na pauang nakita nang naroong lahat,
sa loob nang Templo, caya't natalastas
ang himalang yaong canilang namalas.
Siyang ipinahid nang bunying Obispo
sa mahal na Hari na si Clodoveo,
ang crismang sa lang̃it nagmulang totoo
na padala niyong Amang masaclolo.
Ano pa't nabantog sa boong caharian
ang himalang yaon nang Dios na mahal,
na kilala nila ang capangyarihan
nang tunay na Dios na ualang capantay.
Caya ng̃a't ang tanang guinoo sa Francia
pinagcayariang sang-usapan nila,
ang balang mag Hari na sinoman siya
siyang gagamitin ang himalang crisma.
Mula noo'y siyang naguing calacaran
na sa maghahari gagamitin lamang,
yaong ng̃a ang siyang pinagcaratihan
mula pa sa unang nayaring usapan.
Caya't magpang̃ayon ay naroron pa
redomang sa lang̃it ay nangaling bagá,
na kinalalagyan nang mahal na lana
doon cay S. Raming Simbahang talaga.
Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan
yaong boong Reyno'y isinunod naman,
ipinaunauang lubhang malumanay
ang mang̃a biyaya, niyong calang̃itan.
Doon sa pagtangap nang agua Bautismo
na caugalian nang mang̃a cristiano,
na ang pagbibinyag ang tandang totoo
na nasa loob nang bacuran ni Cristo.
Siyang pumapaui niyong casalanan
na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,
at ipagtatamo niyong calang̃itan
na cung baga banal na sila'y mamatay.
Gayon din ang madlang utos na susundin
at ang cababaang loob na gagauin,
na nauucol ng̃ang dapat ugaliin
at ang mang̃a kilos na sucat asalin.
Dapat naman nilang paing̃at-ing̃atan
Páhiná 31
ang ayos at bucang bibig na mahalay,
at yaon ang siyang kinasusuklaman
ng̃ Dios na ualang hangang carunung̃an.
Cailang̃ang sundin ng̃ mang̃a cristiano
ang aral na lagda ng̃ Poong si Cristo,
nang panahong siya'y dirito sa Mundo
na magagaling na capalarang nalo.
Ang pagcacasala'y ating catacutan
at di nating talos yaong camatayan,
cung tayo ay datning na sa salang mortal
hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.
Cung culang̃ing palad na doon mabulid
ay ano pa caya ang mapagsasapit,
gaano mang gauing sisi at pagtang̃is
ay uala nang daang doo'y macaalis.
Haring Clodoveo ay nang binyagan na
at maguing cristiano yaong boong Francia,
doon nila lubos na napagkilala
ang mang̃a ugali't kilos na maganda.
Doon din ng̃a naman nila nasunduan
ang tunay na landas nang capayapaan,
at sila ay tambing namang kinasihan
ng̃ gracia nang Dios na Poong Maycapal.
Sampong mang̃a bata'y guinising ang loob
pagdaca sa gauang umibig sa Dios,
cung matutuhan na'y saca isusunod
yaong paghahanap buhay na maayos.
Hindi nagnanasa sila niyong pilac
na ang pagmumulan ay masamang hanap,
at kinikilalang sa Dios sy labag
ang ganoong gauang di carapatdapat.
Di masayod yaong canilang catuaan
sa pagsusunurang lubhang malumanay,
at ang mapayapa nilang pamumuhay
sa pagca-cristiano'y cusang nasumpung̃an.
Nacaaakit pang lalo sa canila
ay ang cahinhinan ng̃ mahal na Reyna,
at ang cabaitan nilang nakikita
ang siyang totoong nacaliligaya.
Gayon din ang Hari na si Clodoveo
Páhiná 32
na naguing uliran ng̃ lahat ng̃ tao,
sa binilóg bilog nang canyang Reyno
yaong cabutihang loob na totoo.
Iisang caniyang palagay sa madla
maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,
sa mang̃a may dang̃al maguing sa timaua
ay uala isa mang turing na inaba.
Sabihin ang toua nang lahat nang sacop
sa cay Clodoveong magandang pasunod,
caya ng̃a't ang Francia'y totoong na bantog
niyong cabaitan umibig sa Dios.
Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay
nang canilang taglay na caugalian,
at cung mag-utos man sila'y malumanay
sa lahat nang campong nang̃asasacupan.
Mulang yaong Francia ay maguing cristiano
ay naguing kilabot niyong mang̃a moro,
at cusang natanyag ang pagca-guerrero
lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.
At si Clodoveo'y nang tumanda na siya
ang corona't cetro ay isinalin na,
doon ng̃a sa Anác niyang sinisinta
na bunying Príncipe Sigesmundo baga.
Haring Sigesmundo'y namahala naman
na lubhang maayos sa nasasacupan,
at isa ring tang̃i na kinaguiliuan
nang lahat nang caniyang pinaghaharian.
Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y
dalauang lalaking una'y Hilderico,
at ang icalaua'y Principe Pepino
na sila sa Francia'y bilang heredero.
Haring Sigesmundo ay niyong mamatay
si Hildericos ang humalili naman,
na ang Haring ito ay totoong banal
at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.
Caya hindi niya macaling̃ang lubos
ang Reyno, at ualang laguing na sa loob
cundi ang dalisay niyang paglilingcod
sa di matingcalang darakilang Dios.
At nang manatili sa bagay na ito
at cusang linisan ang bagay sa Mundo
daang pa sa lang̃it ang siyang tinung̃o.
Yaong paghahari ay cusang linisan
nang mapambulos yaong calooban,
nang pananagano sa Dios na tunay
na may lic-ha nitong buong sangtinacpan.
At alam ng̃a niyang ang lahat nang tao
ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,
ang dang̃al at yama'y cahima't gaano
lilisani't pauang catulad ay asó.
Capagbinaui na ang búhay na hiram
nang Dios na Amáng tunay na lumalang,
ang cahima't sinong ualang cabanalan
hirap sa Infierno ang cahahanganan.
Lahat namang yaon palibhasa'y talos
nang banal na Hari na si Hildericos,
caya ng̃a't uinalang bahala sa loob
yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.
Upang ang pusò niya ay huag malibang
sa handog nang Mundong malicmatang layaw,
ay cusang lumigpit at nang masunduan
yaong ualang hanga na caligayahan.
Matanto nang tanang mang̃a consejeros
yaong guinaua nang Haring Hildericos,
sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos
nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.
Pinagca-isahan nang mang̃a consejo
na mag Hari yaong Príncipe Pepino,
at ang casipaga'y ganap na totoo
sa pamamahala nang tungcol sa Reyno.
At sagana naman cung sa catapang̃an
caya't siya nilang pinagcaisahan,
nang magca-ayos na sa gayong usapan
sa Papa'y inisip na magbigay alam.
Caya't naghalal nang embajada't agad
na pinaparoon sa Papa Zacarias,
at ipinasabi cun alin ang dapat
na maghari bagang sa Reyno'y maghauac.
Na cung ang may tapang at cáyang sagana
Páhiná 34
at may tang̃ing sipag sa pang̃ang̃asiua,
nang Reyno, at ganap sa pagcacaling̃a
at di nagtataglay nang pagpapabaya.
Oh ang isang Haring na sa loob lamang
yaong pagca-hari't ang nasasacupan,
ay di caling̃ai't pinababayaan
ayon sa pag-gaua niyong cabanalan.
Lumacad noon din yaong embajada
at agad humarap sa mahal na Papa,
at sinabi yaong utos sa caniya
na cung nararapat ang gagauin nila.
Na ang Hari nila na si Hildericos
sa pananalang̃in ay hilig ang loob,
lagui nang ang puso lamang ay sa Dios
ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.
Caya't ilinagay nang mang̃a consejo
na Hari ay yaong Príncipe Pepino,
at may sadyang tapang ang Príncipeng ito
at masipag namang mag-ayos nang Reyno.
Yamang capua rin heredero sila
nang corona't cetro nang Reyno nang Francia,
caya ang consejo'y pauang nagcaisang
Príncipe Pepino'y siyang magcorona.
Matanto nang Papa ang ganoong saad
napaayon nama't cusang minarapat,
ang mapag-alaga aniya't masicap
sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.
At ang gumaganap nang pagca-justicia,
at sa nasasacop ay macaling̃a pa,
yaon ng̃a ang siyang tunay na maganda
na mag-Hari't siyang lubos na may caya.
Matanto ang gayong mang̃a casagutan
nang Papa, ay agad namang napaalam,
yaong embajada't nang siya'y dumatal
sa Francia'y sinabi yaong casagutan.
Pasiya nang Papa ay nang matalastas
ang mang̃a consejo tua'y dili hamac,
magmula na noo'y ang Haring natanyag
Principe Pepino na may cayang ganap.
At canilang lubos na napagunaua
Páhiná 35
ang sa cay Salomong mang̃a sinalita,
na ang isang Haring mapagpaubaya
ay matatamarin ang sacop na madla.
Mabuti ang isang Principeng masipag
na sa caharia'y marunong luming̃ap,
laguing naguiguising ang pusò nang lahat
at cung cailang̃a'y madaling igayac.
Pinahiran na ng̃a ng̃ mahal na crisma
na galing sa lang̃it na nasa redoma
nang bunying Obispong S. Esteban bagá't
ang boong caharian naman ay nagsaya.
At mula na noo'y pinagcayariang
ang Hari sa Francia ay manamanahan
at tungcol babaye ay huag payagan
na siyang mag-hari cahima't caylan.
Cahit sinong puno sa ibang lupain
huag naman nilang papang̃inoonin,
ang gayong usapa'y guinananap na tambing
pasiya ng̃ lahat na siyang susundin.
Ang Haring Pepino'y nag-asaua naman
sa cay Reyna Berta na dugo ring mahal.
Anác ng̃ dakila na si Herlin Cesar
sa mang̃a romanong bilang caauaan.
Haring si Pepino Anác ay dalaua
na si Carlomagno ang pang̃anay niya,
at ang icalaua'y Princesa Lamberta
na sulang maningning ng̃ Amá at Iná.
Niyong tumanda na ang Haring Pepino
nahalili naman ay si Carlomagno,
siya ng̃a ang naguing kilabot ng̃ turco
at sa catapang̃a'y nabantog sa Mundo.
Ang uica ni Turping Arzobispong banal
na cay Carlomagnong laguing caalacbay,
ang siyang sumulat niyong casaysayan
ng̃ cay Carlomagnong laki't cataasan.
Catauan ay timbang at ayos na ayos
na cung pagmalasin ay nacalulugod
ang laki at taas at bayaning kilos
mamamangha cahit sino mang manood.
Labintatlong dangcal lagay ng̃ taas
Páhiná 36
at tatlong dangcal ang lapad ng̃ balicat
at tatlo pang punto, at nacagugulat
cung siya'y tuming̃ing may galit na hamac.
At dalauang terciang lapad ng̃ balacang
ang binti at brazo ay timbang na timbang,
cung cumain nama'y macalaua lamang
sa maghapo't siyang naguing cagauian.
Di lubhang marami cung cumain siya
nang tinapay, ng̃uni't sa ulam na tupa,
icapat na bahaguing nacacain niya
cung inahing manoc naman ay dalaua.
Calacasan niya ay cagulat-gulat
cung nasa cabayo ay nacabubuhat,
niyong isang taong may sandatang sangcap
isang camay lamang ay na itataas.
Nang lampas sa ulo caya't sa batalla
totoong maraming guinagahis siya,
cung humatol nama'y nacaliligaya
at di cumikiling sa isa at isa.
Ualang inaapi na cahit sinoman
lubhang maauai't malimusing tunay,
cung siya'y mag-utos naman ay malubay
at di nabubuyo sa di catuiran.
At ang isip niya ay totoong pantas
lalo na cung siya'y nakikipag-usap,
at tunay na diniding̃ig niyang banayad
nang upang hinahong caniyang matatap.
Bago sumasagot ay pinaglilirip
upang di masaui siya sa matuid,
caya hindi hamac siyang nabubulid
sa bang̃in nang cutya na icalalait.
Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua
doon sa Princesa na si Verenisa,
Anác nang guinoong Orondatis bagá
na isang dakilang taga Capadocia.
At si Carlomagno'y nag-anác nang anim
tatlo ang babaye't lalaki tatlo rin,
ang mang̃a pang̃ala'y na inyong malining
ay isa-isa co na sa salaysayin.
Principe Pepino ng̃alan nang pang̃anay
na siyang nag-impoc niyong cabanalan
caya't si S. Luis de Franciang natanghal.
Infante Carloto ang icatlo bagá
ang ica-apat ay Princesa María,
icalima'y yaong Princesa Rolana
at si Jenaponte ang bunsong Infanta.
Pinaturuan din yaong mang̃a Anác
nang pananandata't nang dunong na ganap,
mahigpit na iniaaral na mag-ing̃at
sa pag-oosioso't lubos na mang̃ilag.
Cung siya ay ualang bagay na tungculin
librong cabanala'y siyang babasahin,
ó luluhod caya at mananalang̃in
ang pagdedevocio'y siyang uunahin.
Mahiguit ang caniyang pag-aala-ala
sa nang̃agdurusang mang̃a caloloua,
sa purgatorio't hinihiling niyang
sila'y macaalis sa ganoong cusa.
Kinucunan niyang halimbaua bilang
ang cay S. Pablong lagdang casulatan,
na sa Epistola'y doon sinasaysay
ang ganitong uicang nang̃apapalaman.
Balang araw aniya'y ang campon nang Dios
cusang pupucauin ang canilang loob,
na manaca-naca at upang iluhog
ang sa purgatorio'y nagdurusang lubos.
At gumagaua nang gauang cagaling̃an
nang upang malayo sa tucsong caauay,
na humihicayat sa capahamacan
nang tayo'y mahulog sa canilang camay.
Sa Reynong Akisgran at sa Alemania
ay nagpatayo siya niyong tigalaua,
na mang̃a Simbahan, at tigalaua pa
ang ipinagauang mang̃a Beateria.
Na pinacainam ang Simbahang ito
niyong pagcayari sampon nang Convento,
ipinagcaloob sa cay S. Benito
niyong Emperador na si Carlomagno.
At ipinatungcol yaong Beateria
Páhiná 38
sa capurihan ng̃a nang dalauang Santa,
ang isa ay sa cay Santa Catalina
at saca cay Santa Potencianang isa.
Hustong-hustong lahat yaong cagayacan
may Altar at sarisaring casangcapan
pauang mang̃a pilac at ang guintong lantay
ang caliz at cupon at ang Bril naman.
Bordado nang guinto ang sa Paring damit
na ang pagca-ayos ay pinacarikit,
anopa at cahit sino mang magmasid
ay uala nang pintas na maisusulit.
Ang Simhabang yaon nama'y inialay
sa Vírgen Maríang mang̃a capurihan,
baua't isa nama'y caniyang binigyan
nang haciendang siyang gugugulin bilang.
Nang si Carlomagno'y macatalastas na
niyong carunung̃ang mang̃a iba't iba,
macaitlo namang dumadalaw siya
sa maghapon, doon sa Simbahang sadya.
Cung Domingo't fiestang pang̃ilin ay lahat
nang caniyang sacop ay pinatutupad,
tuloy naglilimos sa nang̃asasalat
nang sa cabuhayan nila'y nararapat.
Lalong lalo nang̃a ang mang̃a Simbahan
na duc-ha at ualang sucat na pagcunan,
binibigyan niya nang malaking yaman
at tungcol sa Dios ang ganoong bagay.
Sa bayang Cristiano cahit hindi sacop
ay caniyang pinadadalhan din nang limos,
maguing sa caniyang tunay na vasallos
ang saclolo niya ay di nalilimot.
At sa taón-taó'y nagpapadala rin
nang limos sa Reyno niyong Jerusalem,
at sa iba't ibang Reyno ay gayon din
taglay nang caniyang pagcama-auain.
Sa nang̃a sasalat na ualang pagcunan
ay namamahagui niyong cayamanan,
sa tanghali't siya'y cung cacain naman
binabasahan nang librong cabanalan.
May lector na yaon ang sadyang tungculing
at ang adhica niya'y dapat na busuguin
nang gracia, ang mang̃a caloloua natin.
Cung binubusog man natin ang catauan
nang mang̃a pagcaing sari-saring bagay,
caloloua'y dapat na pacanin naman
niyong masaganang gauang cabanalan.
Kinauiuilihang basahing parati
ay yaong librong Divicitate Dei,
sinisira niya ang tulog sa gabi
at sa pagcahimbing ay di nauiuili.
At sa isang tao'y macalaua bilang
ang virey niya na inuutusan,
na magsisiyasa't sa nasasacupang
provincia't Ciudades Villa't mang̃a bayan.
Sa lahat nang puerto, ay inuusisa
ang tungculin nila sa pag-aalaga,
at cung ginagaua ang pang̃ang̃asiua
nang pagca-justicia sa sacop na madla.
Cundi gumagaua nang mang̃a pag-api
sa hamac, ó maguing sauing malaki,
ang pagpapalagay nila'y cung mabuti
cung isa ang ting̃in sa guino't imbi.
At yaong paghatol ay cung nababagay
sa hustong matouid at di nasisinsay,
sapagca't maraming iba ang palagay
na canilang mang̃a pinagpupunuan.
Cay Vayceto namang mang̃a pang̃ung̃usap
aniya'y mararaming aliping pang̃ahas,
sa pang̃inoon ng̃a't sa hindi pag-ganap
niyong catuiran at nang̃alilinsad.
Nang sa cay Aáron namang maunaua
ang Hari sa Francia sa ganoong gaua,
na si Carlomagno'y nalugod na cusa
sa camahalan at bait na sagana.
Isang Elefante nagpadala ito
na mayhilang isa na carrong dorado,
na ang lula'y bangcay ni S. Cipriano
at ni Espiratus na isa rin Santo.
Saca yaong ulo ni S. Pantaleon
Páhiná 40
tanda nang pag-ibig niyang mahinahon,
saca cay Carlomagno, mula nang manoynoy
ang magandang gauang sa Dios ay ucol.
Nang cay Carlomagnong regalo'y matangap
malaki ang toua at pasasalamat,
sampon nang nagdala'y lubos na lining̃ap
at minahal niya nang sa puso'y tapat.
Iguinalang nang̃a ang mang̃a catauan
niyong mang̃a Santong sa Dios na hirang,
at ipinalagay doon sa Simbahan
at maraming taong nag-devocion naman.
Si Carlomagno ng̃a'y mulang putung̃an siya
niyong corona Imperial sa Roma,
noo'y linooban naman ang Patriarca
sa Jerusalem nang mang̃a turco baga.
Totoong marami ang mang̃a cristiano
na pinagpapatay niyong mang̃a turco,
caya't sumanguni sa bagay na ito
siya sa matandang mang̃a Caballero.
Nang tungcol sa guerra ay naca-aalam
niyong sari-saring bagay na paraan,
iba sa canila'y cahit masira man
ang dang̃al ay tacot na sila'y mapatay.
Caya't ang uinica'y makipagyari na
sa mang̃a turco at mang̃aco na sila,
nang anomang bagay at nang di muli pa
na sila'y patayi't yaon ang pang̃amba.
Anopa't noon din ay sila'y nag-atas
niyong embajadang makikipag-usap,
tanang sasabihin ay nang maisaad
yaong inutusan pagdaca'y lumacad.
Sugong embajada ay nang ipamalay
ang hiling na yaon ay ang casagutan,
ang Ciudad na yaon ay canilang iuan
at sampon nang lahat na ariarian.
Tanang casangcapan at mang̃a sandata
gayon din ang lahat na mang̃a hacienda,
ang bagay na yao'y ng̃ matanto nila
nang̃agsang-usapan sila capagdaca.
Na sila'y huming̃i nang araw na taning
Páhiná 41
na malaon-laon ng̃uni't di pinansin,
niyong mang̃a turco, caya ng̃a't uala ring
makitang paraang huag mahilahil.
Gayon ma'y sa aua nang Dios na Amá
at sa tulong nang mahal na gracia niya,
nasoc sa canilang mang̃a ala-ala
ang cay Carlomagnong loob na maganda.
Sampon pa nang taglay na cabayanihan
at yaong loob niyang cabutiha'y sacdal,
ang caniyang pagcamaauaing tunay
sa nang̃asasahol na cahit sinoman.
Ang guinaua nila sa bagay na ito
ay ang mang̃a susi nang Sto. Sepulcro,
ay ipinadala sa cay Carlomagno
sampong estandarte nang nubos sa tao.
Pumanaw noon din yaong embajada
at cusang tinung̃o ang Imperiong Roma,
sumulat din naman yaong Patriarca
at cay Constantino ay ipinadala.
Sa Constantinopla, ng̃uni't hindi ito
yaong Emperador na si Constantino,
na humanap bagá nang Cruz ni Cristo
na ipinanglunas sa sala nang tao.
Yaong casabihang Constantinong yaon
Anác ni Constanciong bunying Emperador,
at nang Emperatriz Elenang gumugol
nang pagal at yamang hindi sasang̃ayon.
Ang sa Patriarcang sinulatang ito
bilang pang̃alauang Haring Constantino,
ang pinagsabiha't hining̃ang saclolo
nang gagauin niyang munacalang bago.
Nang cay Constantinong tangapin ang sulat
at ang nalalama'y pauang matalastas,
ay noon din nama'y inutusang agad
ang Príncipe Leon na caniyang Anác.
Pinasamahang cay Juan de Napoles
at saca sa nang̃ang̃alan pang si David,
dalaua pa ring Hebreong sasanib
Samuel Isaac sa historiang sulit.
Sila ang piniling mang̃a embajada
Páhiná 42
sa cay Carlomagno sa Imperiong Roma,
na may dalang sulat na nilagdang sadya
niyong Emperador Constantino bagá.
Calakip din yaong sa Patriarcang liham
tang̃i sa titic niyang gayari ang saysay
cagabi aniya'y napakitang tunay
na akin, ang isang babaying marang̃al.
Na ang carikita'y caguilaguilalas
uica'y Constantino'y ang laguing pagtauag,
at iyong pagsamo sa Dios na uagas
na icaw ay bigyan nang tapang at lacas.
Sa cuhilang turco ng̃ pakikilaban
na doon sa tierra Santa'y nagtatang̃an,
sa iyong malaking nasa'y cailang̃an
na si Carlomagno ay macaalacbay.
Itinuro yaong Caballerong isa
na butihi't lubhang malaking halaga,
ang gayac, at yaong sibat at espada'y
apoy ang sa talim ay nagsisibuga.
Na tumitilamsic ang tapon ng̃ ning̃as
ang muc-ha'y maganda't gayon din ang ticas
bulagáw ang matá't mahaba ang balbas
buhoc ay bago pang may puting mamalas.
Caya Emperador huag pong hindi ca
sa lacad na ito'y mangyaring sumama,
sumunod sa utos nang Dios na isa't
magpasalamat sa iyong caloloua.
Sa pagca-justicia'y ng̃ huag masinsay
gaya nang balitang mang̃a cabutihan,
na guinagaua mong malaon nang araw
sa mang̃a sacop mo't maguing pa hindi man.
Ipinalagay ca niyong Poong Dios
na sa cagaling̃ang gaua ay mauulos,
ng̃ cay Carlomagnong sulat ay matalos
ang luha sa matá pagdaca'y umanod.
Sapagca't ang Santo Sepulcrong mahal
ay nasa sa camay ng̃ hindi binyagan,
nang oras ding yaon ay nag-utos naman
doon sa cay Turping Arzobispong hirang.
Na sa caharia'y iaral na tikis
sa bagay na yaon ay nang matigatig
ang loob nang tao't maguising ang isip.
Guinanap ding agad niyong Arzobispo
na ipinang̃aral doon sa Imperio,
maraming nagning̃as na loob nang tao
na nagsipagdamdam sa bagay na ito.
Caya ng̃a at noong hucbo ay ilacad
maraming sumama na nang̃ahicayat,
at nang̃agsitapang na di hamac-hamac
at nagcusang loob nang pakikilamas.
At niyong ilacad yaong ejército
ang punong general ay si Carlomagno,
maraming casamang Hari't Caballero
Duke, Conde't Markes at ibang guinoo.
Minagaling nilang tikis na panauan
ang asaua't Anác ari't cayamanan,
sa malaking nasa nilang isangalang
yaong tierra Santa na linapastang̃an.
Yumao na silang tinauid ang dagat
nang magsiahon na'y parang ang tinahac,
at ang cagubatan nang Tarquiang malauac
nang mang̃a bayaning pauang nagagalac.
Sapagca't nang bagong lalacad ang tropa
ay si Carlomagno'y nagpahayag muna,
nang pakikilaban na gagauin nila
nang upang hinahong camtan ang victoria.
Dahil sa magandang gagauing paraan
mang̃a loob nila'y sumigla't tumapang,
ng̃uni at nagdamdam silang cahirapan
nang tahakin nila yaong caparang̃an.
Na may habang mang̃a labinlimang legua
at may sampong leguas naman yaong lapad,
mahiguit na dalauang oras na linacad
at dalauang gabi bago nacalampas.
At ang nasumpong pa'y leong caramihan
mang̃a tigre't oso, lobo at halimaw,
sa canilang hucbo ay siyang nagbigay
nang lubhang maraming mang̃a casamaan.
Lalo na sa gabing canilang pag-idlip
Páhiná 44
doon nangyayari ang lalong pang̃anib,
dahilan sa gaua niyong mababang̃is
na hayop, na ualang auang magpasákit.
Tang̃i pa sa roo'y ang pighati nila
doon sa paglacad ay nang maligaw na,
bakit sa pagcain nila'y kinapos pa,
saca mang̃a pagal cung caya nang̃amba.
Mang̃a loob nila'y lubos na namanglaw
nang sila'y gabihin sa nasabing parang,
sa di pagcataho nang pagdaraanan
dahil sa nangyari nilang na pagcapaligaw.
Sa cay Carlomagnong ipinatugtog na
ang guinbal, na tanda nang pagpapahing̃a,
at ipinag-utos na lumagay sila
sa libis ó bang̃i't magbantay ang iba.
Yaong mang̃a hindi lubhang napapagod
at siyang magtangol sa nang̃atutulog,
sa magsisisiláng mabang̃is na hayop
na nagpapahirap sa mang̃a soldados.
Nang maiayos na ang lahat nang caual
at ang gutom nila'y nang mapauing tunay
ay si Carlomagno pagdaca'y lumagay
sa puno nang isang malaking halaman.
Siya'y lumuhod na't nanalang̃in doon
at nagmaca-aua sa Dios na Poon,
na sila'y iligtas sa madlang lingatong
at matausan din ang canilang layon.
Nagpapacumbabang luha'y tumutulo
sa gayong caniyang pagmamacaamo,
hibic at pagluhog na taos sa pusò
at mang̃a pagdaing at buong pagsuyo.
At pinasimulan yaong pagdarasal
nang sa Dios bagang mang̃a capurihan,
sa dasal na verso'y nang dumating naman
may voces nang ibong siya'y napakingan.
Na ang uica'y tunay na naring̃ig ca na
nang pagdalang̃in mo sa Dios na Amá,
gayon man ay di rin tumitiguil siya
hangang sa dumating sa verso pang iba.
Ibon ay muli pang nagsabing malacas
nang cay Carlomagnong yao'y matalastas
sa mang̃a pinuno'y nag-utos na agad.
Lahat nang soldado ay ipinalagay
sa mabuting ayos niyong pagcahanay,
at pinagsabihan nang panghihinapang
lumacad nang siya ang nasa unahan.
Sinusundan nila'y ibong lumilipad
na bilang patung̃o doon sa paglacad,
anopa't natunton ang tunay na landas
caya ng̃a't toua nila'y hindi hamac.
Pinagca-alama't magpahaga ng̃ayo'y
laguing nakikita ang nasabing ibon,
nang nang̃aliligaw sa gubat na yaon
pinapatnuguta't daa'y nang matunton.
Sa gubat na yao'y nang macalabas na
yaong Emperador at casamang tropa,
isang daang libo ang natanaw nilang
turcong bucod-bucod ang pulutong bagá.
At cung caya naman nila natalastas
ay may lihim silang taga pagsiyasat,
at cung magagaling ang sandatang sangcap
nang magaua nila ang lalong marapat.
Pinacabuti na ang canilang ayos
at nang̃agsigamit nang tanda nang Cruz,
nanalig na paua sa aua nang Dios
at nagpacatapang nang canilang loob.
Niyong matapos nang ihanay ang caual
sa lalong mabuting mang̃a catayuan,
at inaatas na ang mang̃a paraan
na marapat gauin sa pakikilaban.
Sinimulan na ng̃a ang pagbabatalla
nang dalauang hucbong leon ang capara,
tapang nang cristiano ay cataca-taca
sa dahas at licsi nang pananandata.
Ang cahalimbaua'y tigre at halimaw
niyong paghandulong sa mang̃a caauay,
magcabi-cabila'y nagcalat ang bangcay
niyong mang̃a turcong canilang calaban.
Nang ualang magaua sa pakikilaban
nang di macasaho't nasasahol sila
ay nang̃agtacbuhan silang para-para.
Pumasoc sa Ciudad niyong Jerusalem
at adhicang doon mang̃ag-sisitiguil,
ng̃uni di nangyari't sila'y inusig din
nang mang̃a cristiano saan man dumating.
Anopa at sila'y hindi tinugutan
hangang di naubos na pinagpapatay,
nang uala na cahit ni isa mang buhay
doon ay sila na ang namuno naman.
Yaong Santong lugar ay nang mabaui na
sa camay nang turcong mang̃a palamara,
ay si Carlomagno't lahat nang casama
ay doon na muna sila nagpahing̃a.
Nang macapagpaui na sila nang pagal
sa bunying Patriarca ay nagpapaalam,
binibigyan sila niyong cagantihan
guinto't pilac sampong batong bagay-bagay.
Bunying Emperador na si Carlomagno
at gayon din yaong Haring Constantino,
ay hindi tumangap nang handog na ito
niyong Patriarcang huming̃ing saclolo.
Kinilala nilang tunay na nag-utos
sa canila'y yaong darakilang Dios,
at ang catapang̃an sa pakikihamoc
nila, ay Dios din yaong nagcaloob.
Sa guinauang yaong di pagtangap nila
ang uinica naman niyong Patriarca,
cung gayo'y ang ualang timbang na halagá
ang aking sa inyo ay ipakikita.
Cayong lahat ng̃ayo'y hustong tatlong araw
na mang̃ag-colacio't tuloy magcumpisal,
at mang̃agcomunion sa kinabucasan
na sinoma'y huag pasalahin lamang.
Malabis ang touang canilang tinangap
at noon din sila'y nagcolaciong lahat,
nang̃agcompisal di't comunio'y ginanap
hiling nang Patriarca ay pauang tinupad.
Tanang cautusa'y nang mairaos na
Páhiná 47
ay humirang naman nang labindalaua,
na mang̃a guinoo at iniatas niyang
ilual sa Cofre ang tanang Reliquia.
Yaong Emperador Carlomagno naman
ay sa Arzobispo siya'y nagcumpisal,
at tuloy rin namang siya'y nakinabang
ayon sa Iglesiang mang̃a cautusan.
At yaong pinili na labindalawa
ay pinasimulan yaong pagcacanta,
nang Letania't Salmos namang iba't ibang
pagbibigay puri sa Dios na Amá.
Saca ang Prelado doon sa Napoles
na cagalang-galang na ang ng̃ala'y David,
binucsan ang Cofreng doo'y nasisilid
ang cay Jesucristo na coronang tinic.
Ang takip nang Cofre ay nang maibucas
ang samyo nang bang̃o ay humalimuyac.
na nagbigay aliw sa tanang caharap
asa nilang na sa Paraisong lahat.
Noo'y natiguib nang pagsampalataya
ang cay Carlomagnong puso't caloloua,
siya ay lumuhod na caracaraca
na namamalisbis ang luha sa matá.
Casabay ang hibic at mang̃a pagluhog
sa di matingcalang maauaing Dios,
at ang Pasión niya'y nang lalong mabantog
ang bagong himala'y ipinagcaloob.
Sa oras ding yaon namang capagdaca
ang coronang tinic nang nacop sa sala,
nagsipamulaclac na caayaaya
ang samyo nang bang̃o ay ualang capara.
Na nacabubusog sa naroong lahat
caya ng̃a't ang toua nila'y hindi hamac,
at niyong hang̃uin ang Santos Reliquias
ay lalong maraming himalang namalas.
Tanang mang̃a lumpo, bulag sampong pipi
ang pilay ay bucot sampong mang̃a bing̃i,
gumaling na lahat caya't di masabi
yaong cagalacan sa gayong nangyari.
Ang mang̃a leproso ay gayon din naman
Páhiná 48
caya't nagpupuri silang walang humpay,
ang dakilang bang̃o'y sumikip sa baya't
nasamyo nang lahat yaong casarapan.
Malacas na voces ay naring̃ig nila
uica'y cabuhayan ng̃ayon nang lahat na,
at ito ang araw nang mahal na graciang
caloob na tunay nang Dios na Amá.
Tatlong daa't lima ang mang̃a may sakít
sa araw na yao'y gumaling na tikis,
caya ng̃a't sa puso nila'y nang̃atitic
ang himalang yaon nang Dios sa Lang̃it.
Ang Prelado Daniel ay cumuha naman
niyong isang paco nang nacop sa tanan,
at sa relicariong guinto'y ilinagay
isang bagong taong gumaling ang damdam.
Capagcabata nang ipang̃anac siya
at ang calahati nang catauan niya,
ay tunay na tuyo capagcaraca na
cung caya ng̃a hindi macakilos bagá.
Ng̃uni at dahilan sa pacò ni Cristo'y
biglang nacalacad ang nasabing tao,
at naparoon nang halos tumatacbo
sa Simbahang hayag na cay S. Sabino.
Doon ng̃a pinuri't pinasalamatan
ang aua ng̃ Amáng macapangyarihan,
at ang sakít niyang pinagcalabasan
gumaling na tila nagdahilan lamang.
At sa Alemania naman ay gayon din
maraming may sakit yaong pinagalin,
sampon nang Enano ay lumaking tambing
at sa cahustuhang anyo ay tumiguil.
Ualang di gumaling na mang̃a may damdam
doon sa Reliquias nang nacop pa tanan,
caya't nang̃agpuri nang di ano lamang
sa Dios na ualang hanggang caauaan.
At saca isa pang sangol na patay na
ang muling nabuhay na cataca-taca,
dahil sa cay Cristong pacong mahalaga'y
siyang naguing lunas na nagpaguinhaua.
Saca nang dumating doon sa Aquisgran
at sa isang Altar nila ilinagay
ang Santas Reliquias ni Jesús na mahal.
Ang Simbahang yao'y sa mahal na Virgeng
Nuestra de la Salud, at siya'y nagbilin,
na sa taón-taó'y huag pasalahin
na ang cafiestaha'y pilit gaganapin.
Sa buan nang Junio ay ipamamalas
sa lahat nang tao ang Santas Reliquias,
at mang̃ag-cacamit sila nang plenarias
yaong Indulgenciang sa sala'y patauad.
Pasiya nang Papa ang bagay na ito
nang ipagcaloob sa cay Carlomagno,
caya't guinaganap nang mang̃a cristiano
na tunay na lingcod nang Poong si Cristo.
Ang Simbahang yao'y pagaua rin naman
niyong Emperador Carlomagnong hirang,
caya ng̃a't ang bilin ay nang maisaysay
siya'y nagbalic na sa palacio real.
Magmula na noo'y nabalitang tikis
ang cay Carlomagnong cabutiha't bait,
siya ang nagtatag niyong Doce Pares
taglay nang caniyang cagandahang isip.
Sa pagcabayani ay siyang nabantog
na pa mang̃a turco ay naguing kilabot,
ganon dín sa lahat nang nang̃asasacop
ay lubhang hinahong cung siya'y mag-utos.
At sa Dios nama'y lubos ang pag-galang
maguing sa Iglesia na cay Cristong halal,
sinusunod niyang ualang caliuagan
ang bilin at utos at ang mang̃a baual.
Caya't ang caniyang magagandang gaua
siyang dapat cunang uliran nang madla,
at sa mang̃a puno'y isang halimbaua
nang casarapang luming̃ap sa capoua.
Hindi sa sarili lamang lumiling̃ap
at iisa yaong pagting̃in sa lahat,
maguing sa mayaman at sa mang̃a salat
sa caniya'y ualang mababa't mataas.
Di gaya nang Haring si Herodes
Páhiná 50
na sakim sa yama't carang̃alang labis,
caya ng̃a't sa gauang yao'y ang nasapit
doon sa Infierno cusang nagcasakit.
At gayon din yaong si Poncio Pilatong
hocom na humatol sa Poong cay Cristo,
sa tacot sa bala niyong mang̃a judio
na ipagsusumbong siya cay Tiberio.
Na siya ay isa bilang casapacat
nang ipinaghablang mahal na Mesias
ay baca alisin sa tungkol na hauac
cung caya humatol nang hindi marapat.
Cahi't alam niyang ualang casalanan
ay ipinasiyang si Cristo'y mamatáy,
nang sa cay Tiberio'y ipagsabi naman
gauang lihis niya'y siyang hinatulan.
At ipinahuli na guinapos siya
tuloy tinubung̃ang hayop ang capara,
at noon din siya ay ipinadala
doon sa caniyang bayang Tarragona.
Na uala ni cahit banig man ó cumot
caya ng̃a't sa lupa lamang natutulog,
at di iniiuan nang sundalong tanod
hangang sa ang búhay niya ay natapos.
At nang makitil na ang tang̃ang hining̃a'y
ibinulid naman yaong caloloua,
doon sa Infierno't dusang ualang hanga
at uala cahima't camunting guinhaua.
Pagca't si Pilato ay hindi binyagan
siya'y nalalabas cay Cristong baunan,
caya't suson-suson yaong cahirapan
at di matatapos magpacaylan man.
Dahil sa mayroong lumabas na auit
na dili umano'y na akyat sa lang̃it,
yaong si Pilato, ito'y sabing lihis
nang nagsasalita ay di iniisip.
Ipinahahayag niyong Evangelio
na ang di tumangap nang Agua Bautismo,
ay di nagcacamit nang Lang̃it sa Reyno
at ang matatamo'y hirap sa Infierno.
Camaliang tunay yaong pang̃ung̃usap
Páhiná 51
na si Pilato ay sa Lang̃it na akyat,
at ang nabasahan ay librong salung̃at
ó lic-ha nang budhing lubos na pang̃ahas.
Kinacailang̃ang anomang gagauin
nang tao, ay dapat munang iisipin,
at sala sa Amáng lumalang sa atin
at tatauanan pa nang macalilining.
Huag yaong tayo'y macakita lamang
nang pilac, ay cahit di catotohanan,
cahit ualang librong kinakikitaan
ay di nang̃ing̃imi nang pagsasalaysay.
Alalahanin mo guiliw na capatid
na di gagapilac lamang yaong Lang̃it,
sa camunting yamang ating ninais
yaong ualang hangang toua'y ipapalit.
Magnilay-nilay ca't ang gauang mabigla
ay di gayon lamang cung mapang̃anyaya,
bakit ang parusa'y laguing nacahanda
nang Hucom na hindi mangyaring madaya.
Sa caniya ay ualang munting naliling̃id
ang lahat ay paua niyang nalilirip,
cahit gagadulo man lamang nang hanip
at siya'y ualang hindi nababatid.
Mabuti na lamang cung mapagsisihan
ang lahat nang ating gauang casalanan,
at may patauad pang sucat maasahan
ng̃uni't cung di gayo'y sauing capalaran.
Sa utos nang Dios ay dapat gumanap
tayo, at gayon din sa Iglesiang atas,
nang upang matamo nating aliualas
ang caligayahang ualang pagcucupas.